Boy Abunda defends Kris Aquino


Boy Abunda pleads to let his best friend Kris Aquino and husband James Yap fix their problem. Boy said, "Sana patas lang ang pagkakataon kasi lalaban at lalaban naman 'yan [Kris] nang maayos."



Kinumpirma ng TV host na si Boy Abunda na isinugod sa ospital ang matalik niyang kaibigang si Kris Aquino, na pitong buwang buntis sa anak nila ni James Yap, dahil sa pananakit ng tiyan.

"Totoo 'yan, nasa ospital po si Kris. Itinakbo ngayong tanghali dahil masama ang kanyang pakiramdam. Halu-halo na siguro ito, nandiyan na 'yong stress... Hindi naman kaila sa bayan natin na mahirap ang pinagdadaanan ni Kris," sabi ni Boy sa exclusive taped interview sa kanya kanina, February 22, ng TV Patrol World.

Dagdag pa ni Boy, "She's been advised by doctors to stay in the hospital for mga tatlong araw. Kumpletong pahinga, complete rest."

Hindi ikinaila ni Boy na maaring naapektuhan si Kris ng mga intrigang lumalabas ngayon tungkol sa asawa niyang si James Yap at ang diumano'y ibang babae nito na si Hope.

Ayon kay Boy, "'Yong sinasabi nga nilang paglabas ni Hope sa telebisyon, ako nga na hindi involved, apektado, ano pa kaya si Kris?"

Ipinagtanggol naman ni Boy ang matalik na kaibigan. "Ang importante diyan, sa usaping ito, walang kasalanan si Kris kay Hope. At inuulit ko 'yan, walang kasalanan si Kris kay Hope. Wala siyang ginawang masama, wala siyang atraso... Wala siyang masamang sinabi, ginawa, ni hindi ako sigurado kung kilala ni Kris si Hope."

Patuloy pa ni Boy, "Sana lang hindi buntis si Kris. Sana lang in fighting form si Kris. Sana patas lang ang pagkakataon kasi lalaban at lalaban naman 'yan nang maayos. Ang problema lang ngayon, sa pagkakataong ito, seven months pregnant 'yong tao. She's not in fighting form, di ba?

"Ang sinasabi rin ni Kris na sana ay bigyan sila, at siya, ng pagkakataon dahil sila lang naman ni James ang nag-uusap dito, di ba? They're both mature people, at sana'y maayos," pakiusap pa ni Boy.

Maaari rin diumanong nakadagdag sa stress ni Kris ang alitan nila ni Cristy Fermin, ang co-host nila Kris at Boy sa The Buzz. May kinalaman din ito sa relasyon ni James kay Hope.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, ayon kay Boy, pilit namang inaayos nina Kris at Cristy ang hindi nila pagkakaunawaan. Pahayag pa ni Boy, "Kaya ako naniniwala na kung anuman ang hindi pagkakaunawaan, sigurado akong maaayos ito dahil underneath these differences ay respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kris and Cristynelli [Cristy Fermin] love each other."

Bilang panghuli, nakiusap si Boy sa mga tao para kay Kris: "Nais ko sanang samantalahin ang pagkakataong ito na makiusap sa aming mga kaibigan, lalo na ang close friends ni Kris, at mga taong whose lives she's touched, sana'y ipagpatuloy n'yo pong ipagdarasal n'yo si Kris dahil napakahirap ho talaga ng kanyang pinagdaraanan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN