Cristy Fermin reveals rift with Kris Aquino


Cristy Fermin (left) says that her friend and The Buzz co-host Kris Aquino has been snubbing her for more than two weeks now. Cristy claims that this started after she revealed to Kris what she knows about the affair of James Yap and Hope.



Pumalag na si Cristy Fermin sa kakaibang trato sa kaniya ni Kris Aquino.

Kahit magkasama sila sa isang show, ang The Buzz ng ABS-CBN, dalawang linggo nang hindi nagbabatian sina Cristy at Kris dahil diumano sa affair nina James Yap at Hope C. Halata ang panlalamig ni Kris sa kaniyang co-host at tagapagtanggol sa lahat ng issue sa dalawang magkasunod na episodes ng The Buzz.

Ayon kay Cristy, hindi raw siya pinapansin ni Kris kahit magkasama sila sa isang frame. Si Boy Abunda lang daw ang kinakausap ni Kris.

Mula na rin sa paliwanag ni Cristy sa dalawa niyang columns sa tabloids patungkol dito, nais niya raw "mahulog at lumusot sa entablado" sa harapang pangdi-deadma sa kaniya ni Kris. Kung minsan din daw ay tinitingnan siya ni Kris "mula ulo hanggang paa."

Nagsimula raw ang away ng magkaibigan at co-hosts nang isinawalat ni Cristy ang lahat ng alam niya tungkol diumano sa babae ni James na si Hope. Isang dating trabahador sa Belo Medical Group si Hope, na siya raw mismong lumapit kay Cristy para ikuwento ang relasyon nila in James as early as January this year.

Diumano, mahigit sampung buwan tumagal ang relasyon nina James at Hope at sa mismong Belo clinic nila ginagawa ang kanilang pagniniig. Si Hope daw ang "pumupuno ng pagkukulang" ni Kris kay James sa kama.

Kahit alam na ito ni Cristy, hindi niya ito ikinuwento kahit kanino o isinulat sa mga kolum niya sa mga tablolids. Naghintay raw siya ng "tamang pagkakataon" para maikuwento niya ang lahat-lahat kay Kris. Ayon kay Cristy, inalala niya ang kaibigan pero inisip raw niya ang kalusugan ni Kris dahil nagdadalang-tao ito sa unang anak nila ni James.

Nang makahanap raw siya ng tamang pagkakataon—habang nasa The Buzz sila three Sundays ago—isiniwalat ni Cristy ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa relasyong James at Hope. Nang panahong ito, ang relasyong James-Hope ay may sampung buwan na ang tagal. Matapos nito, hindi raw nakayanan ni Kris na tapusin pa ang show at maaga itong umalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang sumunod na Linggo, February 11, sa birthday presentation ni Kris, unang napansin ang panlalamig nito sa kaniyang asawa. Dito na rin nagsimulang hindi pansinin ni Kris si Cristy.

Pinalampas diumano ito ni Cristy dahil kilala niya ang kaniyang kaibigan at inisip na nagtatampo lang ito sa kanya. Noong nakaraang Linggo, February 18, hindi pa rin siya pinansin ni Kris at harapan siyang dini-deadma at kay Boy lang nakikipag-usap kahit tatlo sila sa frame.

Hindi na natiis ni Cristy ang pangdi-deadma ni Kris, na kaniyang itinuturing raw na kaibigan, kung kaya't isinulat na niya ang kaniyang isinasaloob sa columns niya sa Bulgar at sa Balita kahapon, February 22.

May mga isisiwalat pa raw si Cristy tungkol dito sa mga darating na araw. Hindi rin daw niya masagot kung magkakaayos pa sila ni Kris dahil sa ginawa nito sa kaniya.

Pero magawa pa kaya ito ni Cristy pagkatapos niyang malaman na isinugod na sa ospital si Kris dala ng kumplikasyon sa kanyang pagbubuntis? Ito na marahil ang magiging daan upang magkaayos ang magkaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN