Jolina Magdangal confirms candidacy of her boyfriend


Jolina Magdangal denies a report that her boyfriend Bebong Muñoz has backed out from his candidacy.



Tuloy ang pagka-kandidato ni Bebong Muñoz sa Caloocan City. Kababalik pa lang ni Bebong sa Pilipinas mula sa United States kung saan ito nagtatrabaho bilang corporate lawyer.

Isang news item ang lumabas na nagsabing nagba-back out na raw ang lawyer-boyfriend ni Jolina Magdangal sa pagtakbo nito bilang congressman sa 2nd district ng Caloocan City. Diumano, nag-back out daw si Bebong dahil kulang daw ito sa months of residency na isa sa mga requirements ng Commission of Elections (Comelec) sa sinumang kakandidato for public officee.

Wala raw itong katotohanan, sabi mismo ni Jolina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) via text message.

Sa katunayan, noong Sabado (February 17) raw, alas-dos na ng umaga sila natapos sa kakaikot sa Caloocan. Miyerkules (February 21) naman, alas-otso pa lang daw, umiikot na si Bebong para mag-house-to-house campaign.

"Tuloy ang laban," sabi ni Jolens.

Bebong obtained his master's degree in Public Administration sa Columbia University sa New York. Nagtapos siya ng Bachelor of Laws sa University of the Philippines at BS Economics sa Ateneo De Manila University. Humawak na noon si Bebong ng isang position, Presidential Assistant on Youth Affairs, sa administrasyon ng dating Presidente Joseph Estrada.

Si Bebong ay kamag-anak ng mga Asistio sa Caloocan. Kapatid niya ang nasirang singer na si Ten-Ten Muñoz, na dati namang kasamahan ni Jolina sa 10K trio of young female singers noon ni Ryan Cayabyab.

Bagama't napaka-busy ni Jolina sa kaniyang tatlong GMA shows—Starstruck The Next Level araw-araw at Unang Hirit tuwing weekdays at SOP tuwing Linggo—plus ang kanilang pelikula ni Judy Ann Santos para sa GMA Films na Ouija, sumasama rin si Jolens sa campaign trail ni Bebong kung libre lang din siya.

Si Bebong naman, nag-cameo nang libre sa Oujia, playing a lawyer.

Sa Mayo ang eleksiyon kaya't malamang na sa Agosto na ipalalabas ang Ouija. Bawal kasing mapanood sa pelikula o telebisyon, except for paid advertisements or shows about the elections, ang mga kandidato during the campaign period.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong Marso, tutungo sina Jolina at Judy Ann sa Camiguin para sa ilang eksenang kukunan doon for Ouija. Bali-balita na baka doon alukin ni Bebong ng kasal si Jolens.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN