Sheryl Cruz's husband still here in the country


Sheryl Cruz and husband Norman Bustos bought a house in Quezon City even if they are still based in San Francisco.



Tanggap ng asawa ni Sheryl Cruz ang kaniyang pagiging artista.

Mula nang nagbalik-showbiz si Sheryl more than three years ago sa Mulawin TV series ng GMA-7, hindi na rin siya halos nakapagpahinga sa trabaho. Ito ang dahilan kung kaya't bumili muli sila ng kaniyang asawa na si Norman Bustos ng isang bahay rito sa Pilipinas.

Pumayag si Norman na mag-invest sila ni Sheryl ng isang bahay sa Montgomery Place sa Quezon City kahit US-based pa rin sila. Nasa Pilipinas pa rin ngayon si Norman—isang police at professor for trainee officers and SWAT team in his hometown sa San Francisco, California—dahil on an extended leave siya. Sabi ni Sheryl during the impromptu press con last February 20 for Bakekang (kung saan siya ang gumaganap na pinaka-kontrabidang si Valeria), allowed daw ang kaniyang asawa na mag-leave up to five months a year.

Babalik pa rin naman si Norman sa San Francisco at maiiwan muna sila ng kaniyang anak na si Ashley, na kasalukuyang naka-enroll ngayon sa St. Paul's University sa Quezon City. Pumayag din kasi si Norman na dito mag-aral ng elementary ang kanilang anak para ma-instill ang Filipino values sa kanya.

Kapag nagka-break si Sheryl sa Bakekang at bago masimulan ang kaniyang susunod na trabaho sa GMA-7—ang Sinasamba Kita kung saan gagampanan niya ang papel ni Vilma Santos—magbabakasyon muna sila ng anak niya sa San Francisco. May nabili na rin kasi silang bahay sa US.

Naiintindihan ni Norman ang trabaho ni Sheryl dahil simula pa lang ng kanilang pagsasama, ipinaintindi na ni Sheryl that this is her life. Una silang nagkita sa Amerika nang nag-perform si Sheryl for a Filipino community at si Norman ang kaniyang naging personal bodyguard.

Habang nandito si Norman, isinasama-sama rin siya ni Sheryl sa mga functions and events, and even sa tapings.

Naipakilala na rin ni Sheryl si Norman sa kaniyang dating loveteam at ex-boyfriend na si Romnick Sarmenta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang comment ni Norman kay Romnick? "He's small."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN