Vilma Santos does not mind remakes of her old movies


A few of Vilma Santos's movies have been or in the process of being remade. Some of these are Darna, Kampanerang Kuba, Palimos ng Pag-ibig, Sinasamba Kita, Gaano Kadalas ang Minsan?, Relasyon, and T-Bird At Ako.



Walang kaso sa Star for All Seasons at Lipa City Mayor na si Vilma Santos kung nare-remake ang kaniyang mga pelikula.

Sa bagong trend ngayon sa telebisyon na nare-remake ang mga lumang pelikula, isa si Ate Vi sa may pinakamaraming puwedeng ma-remake na pelikula. In fact, so far, siya nga ay may pinakamarami nang na-remake na movies na isinalin sa telebisyon at maging sa pelikula.

Una na rito ang Darna ng GMA-7 starring Angel Locsin. Bagama't not the first Darna—that distinction belongs to the late Rosa del Rosario—Mayor Vi is still arguably the best and the most famous Darna of them all. Apat na Darna movies ang nagawa ni Ate during her career: Lipad Darna Lipad, Darna and the Giants, Darna Versus The Planet Women, and Darna at Ding.

Sumunod ang Kampanerang Kuba sa ABS-CBN naman starring Anne Curtis. While horror-drama ang original movie ni Ate Vi, Anne's version is musical and fantasy at gumaganda pa nga. Isang eksena lang gumanda si Vilma sa kaniyang original movie, and it was a dream sequence para lang mapagbigyan ang mga fans nila ni Edgar Mortiz, na gumaganap namang pari sa pelikula kung kaya't hindi rin sila puwedeng magkatuluyan.

Magsisimula na ngayon sa ABS-CBN ang pangatlong movie ni Mayor Vi na ire-remake for television, ang Palimos ng Pag-ibig for Sineserye. Originally co-starring with Edu Manzano and Dina Bonnevie, si Rica Peralejo ang gaganap sa character niya, si Diether Ocampo sa Edu role, and si Kristine Hermosa naman ang Dina character.

Magte-taping na rin next week ang unang handog naman ng Sine Novela ng GMA-7, ang Sinasamba Kita. To be directed by Joel Lamangan, it will star Sheryl Cruz, Valerie Concepcion, Wendell Ramos, and JC de Vera. Ang inaanak ni Vilma na si Sheryl ang gaganap sa kanyang original character.

Also among to be remade will be Gaano Kadalas Ang Minsan? movie nila ni Hilda Koronel and the late Dindo Fernando for Sine Novela rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa big screen naman, nakatakda ring i-remake ng Regal Entertainment ang Relasyon noon nina Vilma at Christopher de Leon, with Angel Locsin and Aga Muhlach reprising their roles. Pati rin daw ang T-Bird At Ako nila ni Nora Aunor ay ire-remake ng Star Cinema at ito ay pagbibidahan naman daw nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto.

Super proud si Mayor Vi na napakaraming pelikula niya ang inuulit, although she has one question lang—wala na raw bang original stories out there?

Ang take niya kasi rito, kapag na-remade ang movie, it means maganda ito for the next generation to enjoy. Alam niya rin kasing iba ang naging atake nila sa original at iba ang magiging atake sa gagawing remake.

Pabiro ni Mayor Vi, kung may isang pelikula siyang ayaw niyang ipa-remake, siguro raw ay ang Vilma And The Beep Beep Minica dahil, for one, wala na raw Minica cars ngayon.

Incidentally, Beep Beep Minica has also been done sa Komiks Presents ng ABS-CBN dahil nagsimula rin ito sa komiks.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN