Gladys Guevarra surprised by "Eat Bulaga!" bosses at her birthday party


Among Gladys Guevarra's (pictured) guests at her birthday party were TAPE Inc. big bosses Tony Tuviera and Malou Choa-Fagar.



Napaluha si Gladys Guevarra sa birthday celebration niya dahil sa pagdalo nina Malou Choa-Fagar at Tony Tuviera ng TAPE Inc. Ginanap ang birthday party ni Gladys sa Village Patio sa Sikatuna Village, Quezon City kagabi, February 22.



Ang pagdalo ng mga executives ng TAPE (producer ng Eat Bulaga!) ang kumpirmasyon na natuldukan na ang hidwaan sa pagitan nina Gladys at Malou. Nagkaroon ng tampuhan ang dalawa nang mag-resign si Gladys bilang co-host ng Eat Bulaga!, pero hindi siya pormal na nakipag-usap kay Malou, na manager din ni Janno Gibbs.



Naging malaking isyu ang diumano'y pagkakaroon ng relasyon nina Gladys at Janno, isang bagay na kapwa nila pinabulaanan. Itinanggi rin ni Gladys na may kinalaman ang balita na nililigawan ni Janno ang EB Babes member na si Lian kaya napilitan siyang mag-resign.



Naging memorable ang birthday party ni Gladys dahil hindi lamang ang mga big boss ng Eat Bulaga! ang dumalo.

Bandang ala-una ng madaling-araw nang dumating si Kay Brosas, ang dating kasamahan ni Gladys sa Gladys and the Boxers. Parehong pinabulaanan ng dalawa na nag-away sila na naging dahilan para iwanan ni Gladys ang grupo.



Hindi raw sila pumayag noon na magpa-interview tungkol sa kanilang away dahil walang katotohanan ang tsismis. Parang kailan lang nang sabihin ni Kay sa isang interview na " talk to my award " nang tanungin siya tungkol sa cold war nila ni Gladys.



Inaasahan na muling mapapanood si Gladys sa Eat Bulaga! at magkakasama na sila muli ni Kay sa isang concert dahil sa magandang nangyari sa kanyang birthday party.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN