Toni Gonzaga prefers boxers over panties


Toni Gonzaga shows a portion of her boxers during the press con of You Got Me, her second movie with Sam Milby.



Matagal na ring namamayagpag ang showbiz career ni Toni Gonzaga, especially after she transferred from GMA-7 to ABS-CBN kung saan maging sa movies ay nagkasunod-sunod din ang hits niya. Kaya naman hindi maiwasan na nagtataka ang marami kung bakit sa kabila ng successful career niya at mga nakapilang mga young actors na very vocal sa paghanga sa kanya at panliligaw, still, wala pa rin siyang mapili or maipakilalang special someone niya.



Sa press con ng You Got Me sa 14th Floor ng ELJ Building sa ABS-CBN, muli na namang idinepensa ni Toni ang kawalan pa rin niya ng lovelife.

"Nagko-concentrate po kasi ako sa career ko and alam naman natin kung gaano lang kaikli ang career ng isang artista. Mahirap pong ma-distract. I want to enjoy it one at a time. Ini-enjoy ko po muna kung anuman ang meron ako ngayon," simula niyang pahayag.



Puwede namang pagsabayin ang career at lovelife, pero bakit sa case ni Toni ay tila puro career na lang ang gusto niyang i-prioritize?



"Sobra naman kayo! Tapos kapag puro love, sasabihin n'yo naman, walang career!" natatawa niyang pakli.

"E ganoon talaga...There are things in life that you have to prioritize. There are things na you have to set aside for a while. So, wala talagang timetable at all kung kailan ako mai-in-love. Basta kapag nakita ko na siguro yung tamang tao talaga," paliwanag pa ni Toni.



TOMBOY ISSUE. Naniniwala ba siya na dahil wala siyang lovelife hanggang ngayon kaya siya madalas napaghihinalaang tomboy?



"Yeah, I think naa-associate sa akin yun dahil nga wala akong boyfriend," pagsang-ayon niya. "But like I always say, I don't have to have a boyfriend just to prove to everybody that I'm not a tomboy or a lesbian 'tulad ng naiisip nila."



Pero napipikon din ba siya kapag napaparatangan siyang tomboy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi, not at all. I just laugh it off. Actually, parang naku-kyutan ako...Parang, ‘Ano, tomboy raw ako?' Wala lang...parang wala na lang talaga silang maisip!" natatawa niyang sabi.



"As long as you're confident with your sexuality and you're confident with who you are, it won't bother you at all," pahabol pa niya.



Naintriga rin ang sinabi niyang instead of wearing panties, boxers ang isinusuot niyang underwear. Dahil dito kaya sila lalong naiintrigang tomboy.



"Actually po kasi, minsan talaga, hindi ako comfortable na isuot ang panty dahil yung garter line niya kapag naka-jeans, bumabakat. Unlike po sa girl's boxers, mas masarap at kumportableng isuot," paliwanag ni Toni.



"At saka, ang alam ko po kasing meaning ng tomboy, yung boyish kumilos, pero babaeng-babae pa rin siya. Katulad ko po, I'm very carefree, I'm also very comfortable with jeans. I think yung lesbian, yun po yung pumapatol naman sa babae at hindi po ako ‘yun," paglilinaw pa rin niya.

SAM MILBY. Kinumusta rin ng PEP kay Toni si Sam na for the second time ay makakatambal niya sa You Got Me ng Star Cinema, after their successful first team-up na You Are The One. Kapansin-pansin kasi na parang may nabago sa sweetness at closeness nilang dalawa. May nangyari ba sa kanila ni Sam?



"Wala namang nangyari, actually," sagot ni Toni. "Nothing happened at all. It's just that siguro...Well, I really can't tell. It is based on your observation siguro. Pero with us naman [ni Sam], there's nothing wrong, it's still the same."



At that time, tila nasa courtship stage na si Sam sa kanya. So, bakit biglang naputol or nawala? Binasted niya ba si Sam?



"Hindi ko siya pinutol," paglilinaw ng TV host-actress. "Nasa lalaki na yun kung itutuloy niya yung friendship or whatever. With Sam, nagtuloy pa rin naman, it's just that naging busy na lang din talaga with other stuff. Hindi rin naman siguro nawala yung communication. Siguro parang nagkaroon na lang din ng understanding that we're better off like this."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May kinalaman ba ang tila pagbabago ng pagtitinginan nila dahil sa balita na pinopormahan ni Sam si Anne? May lumabas ding balita na nahuli ni Toni sina Sam at Anne na naghahalikan sa isang dressing room ng ABS-CBN. Totoo ba ito?



"Ay, no! Not at all. 'Tsaka walang selos. Personally, there's no need for me to get jealous. And for the record, I am not a jealous person," sabi ni Toni.



HOUSE VISIT. Samantala, may lumabas na isyu tungkol sa diumano'y nabastos ang ilang entertainment writers nang magpunta sila sa bagong bahay ni Toni sa Taytay, Rizal. Ayon sa balita ay sa dirty kitchen pinakain ni Toni ang mga entertainment press instead na sa dining table nila.

"Actually, narinig ko nga ‘yan mga two weeks ago and I want to clear it," panimula ni Toni. "Hindi kami nagma-mata ng kahit na sinong bisita. Kahit na sinong pumasok sa bahay namin ay wine-welcome namin ‘yan nang open arms. We are very hospitable people."

Dagdag pa niya, "We have this big activity area sa backyard namin kung saan do'n namin ine-entertain ang mga bisita namin. Noong mag-Bible study sa bahay namin sina Kuya Gary [Valenciano], Piolo Pascual, Rica Peralejo, Erik Santos, Rufa Mae Quinto, that's where we stayed din. Doon sa sinasabi nila, na ‘minaliit, binastos dahil doon lang pinag-stay or pinakain.'



"Doon sa pinag-stay-an nila, doon talaga kami kumakain minsan. Kasi doon sa likod namin, overlooking, mas malaki ang lugar, mas presko ang hangin kaysa sa loob. Kahit sila Kuya Gary, hindi rin sila kumain sa dining area namin, doon din sila sa likod kasi mas presko at mas malaki," kuwento pa ni Toni.



Na-offend ba siya nang malaman niyang may mga naglabasang ganung isyu even after niyang pakiharapan nang maayos ang ilang entertainment writers?



"Hindi ako na-offend. I was a little shocked na naging isyu yun," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin nina Toni at Sam sa You Got Me ang ex-housemate ng Pinoy Big Borther Celebrity Edition na si Zanjoe Marudo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN