Sam reacts to "holding hands photo" with Piolo


"I guess it's part of the business. The sad part is that some make fun of it and some people look at it the wrong way," says Sam Milby about rumors linking him to Piolo Pascual.



Ilang isyu tungkol sa kanya ang diretsahang sinagot ng matinee idol na si Sam Milby during the press conference ng bago niyang movie sa Star Cinema, ang You Got Me, kung saan katambal niya for the second time si Toni Gonzaga. Also in the movie is Pinoy Big Brother Celebrity Edition ex-housemate Zanjoe Marudo.



Hiningi muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Sam sa kumalat na litrato nila ni Piolo Pascual na magka-holding hands.



"Obviously, it's not true," diin ni Sam. "I find it funny and also sad that people kind of look at our friendship in a wrong way. But at the same time, funny with the way people look at it."



Ayon kay Sam, bago mag-press con lang niya nakita ang sinasabing holding hands photo nila ni Piolo nang may magpakita nito sa kanya sa pamamagitan ng cell phone.



"I just saw it now, actually," sabi ng Fil-Am actor-singer. "I think it's funny. It's me, of course, but its a photoshop. I don't know how they did it. But I did hear that it's actually a group picture with Rica Peralejo and some other people. It's computer enhanced actually."

Inilabas ng PEP noong Miyerkules, February 21, ang original photo na pinagkuhanan sa litrato nina Sam at Piolo na magka-holding hands. Sa original photo ay kasama nina Sam at Piolo si Rica at iba pa. Si Rica—na nasa gitna nina Sam at Piolo—ang ka-holding hands ni Piolo sa litrato at hindi si Sam.



GENDER ISSUE. Napipikon na ba siya sa walang kamatayang gender issue sa kanya?



"It's not that napipikon or naiinis ako sa isyu at all. I mean, in this business, you really get it. No matter who you are, how many countless new actors before me, that's what they get. So I guess it's part of the business. The sad part is that some make fun of it and some people look at it the wrong way," paliwanag pa ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag niya, "So it doesn't bother me at all and the truth will still come out in the end."



Tinanong din ng PEP si Sam kung ano naman ang naging reaction ni Piolo sa holding hands photo nila?



"Wala. Of course, he's not affected, too. So, that's not true. Yun lang..."



Masasabi rin ba ni Sam na naapektuhan din kung anumang friendship meron sila ni Piolo because of these rumors linking them to each other?



"Well, before, we were friends," pag-amin ni Sam. "We only see each other at work but since the issue came up, we just really, really work lang. After the issue came up, we don't really entertain [the thought] that people might look at it the wrong way. But in terms of hanging out in public, not so much, because people look at it the wrong way."



Hiningan din namin si Sam ng mensahe sa mga tao na patuloy na nagdududa sa kanyang sexual preference.

Sabi niya, "It's up to you guys whom you wanna believe. If you guys wanna believe what you want to believe, it's up to you. But the truth will come out eventually. I know what's true and what's not. And I don't have to prove anything to anybody."

TONI GONZAGA. Second movie na nila ni Toni ang You Got Me. Follow-up ito ng Star Cinema dahil sa naging success ng kanilang first movie na You Are The One last year.



Ano naman ang masasabi ni Sam sa obserbasyon ng marami na sa second movie nila ni Toni ay tila nawala na yung closeness or sweetness na ipinakita nilang dalawa during their first movie? In fact, Sam was honest enough then na sabihing nililigawan na niya ang dalaga. So ano't tila pinutol niya yun?



"Actually, when I was courting Toni, she asked me not to court her. She did, back then. I don't know, maybe she wanted to establish a really strong friendship. Honestly, with me, relationship is best if it started with a good friendship," sabi ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi ba niya naisip na baka tine-test lang pala siya ni Toni kung hanggang saan siya tatagal? Sa panayam kasi ng PEP kay Toni, nasabi nitong "nasa guy na yun kung itutuloy niya pa rin ba or maggi-give up."



"Of course, I'm gonna respect her decision," sabi ni Sam. "Right now, I don't know what her answer would be if I wanted to court her. But right now, I really don't have time to be with any girl."

ANNE CURTIS. Isa pang nali-link kay Sam ay ang leading lady niya sa primetime drama series ng ABS-CBN na Maging Sino Ka Man na si Anne Curtis. Impression ng mga nakakakita sa kanila ay tila hindi lang daw sila on screen kundi mag-on na talaga sila.



"We're very close and I'm saying it could be anything or it couldn't be anything. But right now, even if I want to be with someone, my time schedule wouldn't allow anything at all," paliwanag ni Sam.



Totoo bang si Anne ang naging dahilan kung bakit nawala na ang interes niya kay Toni?



"No, I haven't lost interest in Toni at all," paglilinaw niya. "You know, like I've said, she's an ideal girl. She's so mature, intelligent, and funny. For me, if I want to be with someone, I want to have time for that first. You know, parang it's not fair for a girl if I am going to court her and then I wouldn't have the time. Ganun."



May lumabas na balita na nahuli raw ni Toni na naghahalikan sina Sam at Anne sa isang dressing room ng ABS-CBN. May nakakita rin daw sa kanila ni Anne na naghahalikan sa isang parking lot. Totoo ba ito?

"No! I don't know... I mean, people just talk. I heard something like we were in a parking lot. I don't know where they got that. People just talk, but that's not really true," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nang tanungin kung sino kina Toni at Anne ang mas close sa kanya, sinabi ni Sam na pareho siyang malapit sa kanila.



LOVELIFE. Kahit nga sabihin pang nali-link siya sa both gender, male and female, nakangiti lang na ipinagdiinan ni Sam na zero pa rin ang lovelife niya.

"My career is very important to me. I know I can have a girl na kasabay ng career. But right now, my time, talagang walang oras para sa kahit na ano. So if I'll have time, maybe that's the time I'll have a lovelife," aniya.

Aside from Toni and Anne, sino pa ang ibang crush ni Sam?



"Of course, I do like Toni and Anne, and I don't really know too many people. But I think, Heart Evangelista. She's very pretty kahit walang makeup, talagang maganda! At saka, sobrang bait siya. Very down-to-earth and beautiful," sabi ni Sam bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN