Martin Nievera's Las Vegas concert sabotaged by fellow Pinoys?


"It's so sad and so disappointing because it's my own kababayan doingthis to me. Instead of helping a kababayan, naninira pa sila," said Martin Nievera.



Nagpapasalamat si Martin Nievera at matagumpay niyang nairaos ang Valentine show na ginawa niya sa Las Vegas last February 14 sa kabila ng balitang nakarating sa kanya na may ilang grupo na nagtangkang sumabotahe sa nasabing pagtatanghal.

Diumano, ilang araw bago ang concert ay ilang grupo ang nagpakalat ng balita na kanselado ang show ni Martin. Hindi pa nasiyahan, nu'ng mismong araw raw ng show ay nagpunta ang mga ito sa venue at kapag nakakakita ng mga Pinoy na bumibili ng tickets para panoorin ang Concert King ay sinasabihan ang mga ito na huwag nang magsayang ng pera dahil hindi tuloy ang show.

Nagkataon naman na naroroon ang ilang relatives ni Martin at dinig na dinig ng mga ito ang sinabi ng grupo kaya agad nilang tinawagan ang Concert King na noon ay kasalukuyang nasa backstage para alamin kung totoong kanselado ang show. Higit na ikinalungkot ni Martin ay nang malamang mga kababayan pa niya ang nagtangkang gumawa ng masama sa kanya.

"It's so sad and so disappointing because it's my own kababayan doing this to me. Instead of helping a kababayan, naninira pa sila. You know, we're all ‘babies' in this industry on The Strip. Why would this group say they wanted to help me and instead they try to destroy me?" himutok ni Martin na lumabas sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star.

Walang ideya si Martin kung bakit gustong isabotahe ang kanyang show. Mabuti na lang daw at hindi sila nagtagumpay at lalo pang naging successful ang kanyang pagtatanghal. Sa kabila nito, naniniwala si Martin na hindi titigil ang nasabing grupo at patuloy na magtatangkang isabotahe ang mga shows na nakatakda pa niyang gawin in Vegas. Kaya ibayong pag-iingat na lang umano ang gagawin niya at ng kanyang mga producers.

Bagama't masasabing made na sa Las Vegas, kung saan kinikilala siyang international artist at kung saan kasalukuyan siyang may series of shows at the Aladdin Strip Central, tiniyak ni Martin na patuloy siyang gagawa ng concerts sa 'Pinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'd be a fool to abandon the Philippines. This is where it all started and this where it still happens for mem," say pa ng undisputed Concert King of Philippine Music nang humarap sa entertainment press during an album launch at the Discovery Suites noong nakaraang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN