Judy Ann and Ryan want a May wedding


"A garden wedding, with people who I really love and who love me,people who are really close to me as guests. It will have to be solemn,very private," reveals Judy Ann Santos when asked about her dream wedding, possibly with boyfriend Ryan Agoncillo.



Sa buwan ng Mayo planong magpakasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ito ang ipinahayag ng mag-sweetheart nang mag-guest sila kamakailan sa The Ricky Lo Exclusives on QTV-11.

Ayon kay Ryan, espesyal sa kanya ang month of May dahil ito ang buwan na ikinasal ang kanyang mga magulang at iba pang miyembro ng kanilang pamilya at mga kamag-anakan. Say pa ng TV host-actor na naniniwala siya na ang May ang pinakamagandang buwan para magpakasal ang sinumang nagmamahalan.

Agree naman si Juday sa sinabi ng boyfriend. Feel din daw niya ang month of May kapag nagpakasal sila ni Ryan.

Pero kung May this year o next year pa ay hindi nilinaw ng couple.

"Basta, it has to be May!" tanging sinabi ni Ryan na sinabayan ng tawa.
"We don't want to rush things. Hindi ko masabi kung kailan dapat. Sa ngayon ini-enjoy na muna namin ang life namin as individuals. Tama na yung sa pelikula na lang muna kami ikinasal," pakli naman ni Juday referring to Kasal, Kasalo, Kasali, a blockbuster Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema last year, kung saan ang role nila ni Ryan ay mag-asawa.

Matatandaan na ilang beses kumalat ang balita na secretly married na ang dalawa. May chika pa na sa Binondo ginanap ang pagpapakasal nila nang lihim. Napabalita rin na nagpaplano nang magpagawa ng mansyon si Ryan para sa kanila ni Juday. Ngunit mariin itong itinanggi nina Ryan at Juday.

"Binondo? Ano ba kami?" reaksyon ni Judy Ann during the press conference of ABS-CBN show Komiks kung saan nagkasama sila ni Ryan.

"Do we look Chinese to you?" nakatawang pakli naman ni Ryan.

Tatlong taon na ngang mag-sweetheart sina Ryan at Juday at parang mas type daw nila na i-enjoy muna ang pagiging mag-steady. Sinabi pa ni Juday na marami pa siyang gustong ayusin gaya ng kaso niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) bago sila lumagay sa tahimik ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang tanungin kung ano ang dream wedding niya ay ito ang mabilis na isinagot ni Juday, "A garden wedding, with people who I really love and who love me, people who are really close to me as guests. It will have to be solemn, very private."

Nagkasundo naman ang celebrity couple na tatlo lang ang gusto nilang maging anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN