Jay-R Siaboc finished his debut album in just three days


Pinoy Dream Academy first runner-up Jay-R Siaboc finally realizes his dream of recording his own album.


Three days straight ni-record ng Pinoy Dream Academy (PDA) first runner-up na si Jay-R Siaboc ang kanyang album na iri-release ng Star Records.



Sampung songs ang ni-record ni Jay-R for his debut album, kabilang ang duet nila ni Yeng Constantino na "Himala" (originally sung by Rivemaya); ang sariling version niya ng "Kung Maibabalik Ko Lang," isa sa mga kantang ni-revive ni Regine Velasquez; at ang original song na "Hiling" na isinulat ng kasamahan nila sa PDA na si Eman Abatayo.



Inamin ni Jay-R na sobrang napagod siya sa pag-record ng kanyang album dahil minamadali na nga raw nila itong matapos at mai-release.



"Gusto kasi ng Star Records na ma-release na yung album ko before March, kasi aalis nga kami [ng PDA Final 6] for a concert tour sa Japan on March 1. 'Tapos susunod na ang US tour namin, kaya baka mawalan na raw ng panahon for recording. Mabuti na lang at natapos ko rin para ang aayusin ko na lang ay ang promo," sabi ni Jay-R.



Tinanong namin si Jay-R kung may song ba siyang dedicated sa kanyang ex-girlfriend na si Iya Ginez na nakipag-break sa kanya?



"Wala pa akong maiisip na bagay sa kanya e," nangingiting sabi ni Jay-R. "Kung meron man, gusto ko original. Gusto ko ako ang magsusulat ng kanta para sa kanya. Tungkol lang naman sa pagka-miss ko sa kanya at sa pagiging magkaibigan na lang namin ngayon yung kanta."



Si Iya ay isa rin sa mga naging scholars ng PDA. Dahil sa kawalan ng panahon sa isa't isa kaya nagdesisyon silang maghiwalay.

"Naiintindihan din naman niya ang sitwasyon ko. Maganda ang opportunity na ito na dumating sa buhay ko. Kailangang husayan ko dahil umaasa sa akin ang pamilya ko sa Toledo, Cebu. Ayoko silang biguin kaya uunahin ko muna ang trabaho bago ang lovelife ko," paliwanag ni Jay-R.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung may nami-miss man daw si Jay-R ngayong sikat na siya, yun ay ang pagtambay niya noon sa barangay nila sa Toledo. Batang-kalye raw kasi siya noon bago siya sumali sa PDA kaya malaking pagbabago ang kasikatang tinatamasa niya ngayon.



"Ang pagtambay noon ang nahiligan ko kasi wala ka namang pwedeng magawa sa barangay namin. Walang sinehan sa amin kaya hindi ko nahiligan ang manood ng sine," paglalarawan ni Jay-R.



"Kung gusto mong manood ng sine, bibiyahe ka ng isang oras at kalahati papuntang Cebu City dahil nandoon ang mga sinehan. Kaya tumambay ka na lang kesa mapagod sa biyahe, di ba?" masayang pag-alala ni Jay-R.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN