Hi! magazine hypes the most controversial showbiz relationships


Umaani man ng mataas na rating ang TV series ni Angel Locsin, sinasabing ang naging kapalit naman nito ay ang pagkakalabuan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Oyo Sotto?


Maha-high ka na sa entertaining na intriga't showbiz balita, maha-high ka pa sa pakulong bonus ng Hi! magazine.

Sa February issue, inusisa ang iba't ibang showbiz relationships.

Unahin na natin sina Angel Locsin at Oyo Sotto na naghiwalay noong December 26, 2006. Totoo nga bang umabot sa puntong sa text na lamang nag-uusap ang dating mag-nobyo? Totoo bang "Hi!"na lang sa umaga at "Goodnight" sa gabi ang naging laman ng text message ng dalaga para sa anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie?

Sinasabing ang pagiging sobrang busy raw ng Asian Treasures lead star ang naging ugat ng pagkakalabuan ng dalawa, at aminado naman dito si Angel. Ayon sa kanya, "I plead guilty to lack of time because I've been working these past several weeks."

Kinumusta rin ng Hi! sina Erik Santos at Rufa Mae Quinto na nag-celebrate ng kanilang 8th "monthsary" noong Valentine's Day. Ang itinuturing na isa sa mga most controversial couples last year ay official na "nagkaintindihan" noong June 13, 2006.

Matatandaang inulan ng intriga ang kanilang relasyon noong ito ay nagsisimula pa lamang. Ang sexual preference diumano ni Erik ang kinuwestiyon ng mga tao. Pero nanindigan noon si Rufa Mae, at hanggang sa ngayon ay patuloy niyang ipinagtatanggol ang kanyang boyfriend, "Macho si Erik."

Sa March issue naman ay nagsalita ang Megastar na si Sharon Cuneta tungkol sa isyung nagkakamabutihan na ang kanyang mega-daughter na si KC Concepcion at ang TV direktor na si Lino Cayetano. Sabi niya, "I'm glad disente naman ang mga nali-link sa anak ko!" Boto kaya si Mega kay Lino?

Ang favorite celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay nagsalita rin tungkol sa estado ng kanilang relasyon—may balak na nga ba silang magpakasal?

Pero hindi lang siksik sa balita ang Hi! dahil may nakasiksik pang giant poster sa ilang kopya ng magazine. Ang limited edition na ito ng Hi! ay matatagpuan sa alinmang Mini Stop at 7-eleven stores. Hanapin lang ang kopyang may sticker na nagsasabing "Free Poster Inside."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

O, ‘di ba? Cool na cool na pabonus sa chikadora't gustong laging in sa showbiz happenings na mambabasa. Kaya't grab na agad ng kopya ng Hi! February at March issues.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN