Tintin Bersola-Babao not yet pregnant with second child


Tintin Bersola-Babao denies that she is already pregnant with her second child.



Natatawa ang better-half ni Julius Babao na si Tintin Bersola-Babao dahil napapabalitang buntis na siya ulit. Well, yun naman daw talaga ang wish nilang mag-asawa sa taong ito—na sana ay masundan na ang panganay nilang si Antonia, who will turn two on February 26.



Pero para linawin ang balitang buntis raw siya, ito ang masasabi ni Tintin: "May rumor daw na pregnant ako? My answer is yes, I am pregnant... but not with a child, but with rich ideas. May bago na akong baby and I am referring to my new children's book that I am sharing with kids and their parents."



Nagkaroon ng launch at book reading si Tintin ng kanyang bagong children's book titled Basura Monster sa Bridges Bookstore sa V-Mall in Greenhills last February 20. Bale pangalawang children's book na ito ni Tintin, after Bryan Learns His Lesson na isinulat niya noong buntis siya kay Antonia.



"Akala ko nga mabubuntis ako ulit when I started writing Basura Monster," sabi ni Tintin. "Pero dahil nga sa na-inspire talaga ako to write something that will somehow save and preserve the earth from further destruction, I want the book to be my gift for Antonia as she turns two years old."



Dagdag pa niya, "Kami naman kasi ni Julius, we always keep in mind na in our own little way, we can help in saving our planet. Natural na unahin muna natin sa sarili nating bakuran. Practice what you preach, ‘ika nga.



"The book Basura Monster is a reminder for kids na matuto silang pahalagahan ang environment. They will learn the Three Rs: Reduce, Reuse, Recycle. It will be a big help para sa kapaligiran natin and our future children and grandchildren will still enjoy the beauty of the environment."



Sa book-signing ay hindi ini-expect ni Tintin na halos ma-soldout ang kanyang libro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I was so overwhelmed kasi hindi namin ini-expect na it would be such a success. Nag-start akong mag-sign around 4:30 PM pero inabot ako ng around 7:00 PM sa kakapirma! It was an instant bestseller! So far, sa pagkakaalam ko, nakabenta na ng at least 270 books. 'Tapos napag-alaman ko pa na nag-order ng 500 books ang kausap namin sa Dubai.



"Kaya it is such a positive project for everybody, lalo na mga kabataan. We save lives by saving our environment first, di ba? I'd like to thank Dominic Hamada, who conceptualized the character of the Basura Monster. And to our illustrator Cedric Ryan de Guzman for bringing life to each page of the book."



Kapansin-pansin na wala si Julius at ang baby nilang si Antonia sa book launch niya.



"Gustuhin man ni Julius to be at the book launch, he has TV Patrol World kasi. Maaga na silang nasasalang sa TV. Si Antonia naman, sinisipon. Ayoko namang mahawahan niya ang ibang bata sa book launch, at baka may masagap din siyang ibang sakit since mahina ang resistensiya ngayon. Kaya sa bahay na lang siya at nagpapagaling," paliwanag pa ng TV host.



As for that second baby, handa naman daw maghintay si Tintin kung kailan sila ulit bibiyayaan ng Diyos.



"It's all up to Him," nakangiting sabi ni Tintin. "Alam naman ni Lord kung ano ang nilalaman ng puso natin at hindi naman Niya ipagkakait iyon. Siguro wala pa sa tamang panahon. Basta kami ay laging thankful sa mga natatanggap at naibabahagi namin araw-araw."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN