Is romance brewing between Irish Fullerton and Mark Bautista?


"I like Mark to be one of my friends din kasi he's honest, sensible, responsible, and has a terrific singing voice," says Irish Fullerton about Mark Bautista.



After Luis Manzano, kay Mark Bautista naman ngayon nali-link ang Pinoy Dream Academy grand finalist na si Irish Fullerton.



Hindi naman idini-deny ni Irish na sinundo nga siya ni Mark sa kanyang condo unit papunta sa surprise birthday party ni Anne Curtis noong February 16 sa Hyatt Hotel.



"It was Mark who asked if I want to go with him to Anne's birthday party," kuwento ni Irish. "I said yes naman because Mark is such a gentleman. We are together in ASAP '07 and every Sunday, I see him smiling parati and parang he's so cool. When he asked me, I couldn't turn him down kasi it was nice of him to offer me a ride."



Since malayo ang Manila from Quezon City at inabot pa raw sila ng traffic, ano ang mga napagkuwentuhan nila ni Mark sa loob ng sasakyan papuntang birthday party?



"Mostly about music," nakangiting sabi niya. "We talked about the different bands ngayon and pareho kami ng paborito. May similar taste kami in music kaya masaya naming napag-usapan 'yon. Overall, Mark is a nice guy to talk to. Hindi siya boring and he's very funny too."



Walang girlfriend si Mark ngayon at wala rin namang boyfriend si Irish. May pag-asa kaya si Mark in case na manligaw ito sa kanya?



"I can say yes. He has a chance," sagot ni Irish.

"Yun ay kung manliligaw siya sa akin," pahabol niya. "But if he wants to be friends muna, that's okay with me. I'm one of the boys naman e. I can be close to boys, pero walang malice na kasama. I like Mark to be one of my friends din kasi he's honest, sensible, responsible, and has a terrific singing voice."



Inimbitahan nga raw ni Mark si Irish sa blessing ng bahay na ipinapagawa ng male singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Mark totally deserves my support. He deserves that house he's building because he really works hard for everything. 'Yan ang gusto ko sa guy, yung hindi puro porma. He has the skills and talent to be a cut above the rest," panghuling pahayag ni Irish.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN