PJ Valerio and Iwa Moto settle their differences


"Alam ko naman na she's a nice girl, misunderstood lang. But when they get to know Iwa better, they will find out that Iwa has a good heart," says PJ Valerio about Iwa Moto.



Magkabati na pala sina Iwa Moto at PJ Valerio.



Pagkatapos ng naging intriga sa dalawa na naganap sa set ng now-defunct teen drama series na Posh sa QTV 11, peace na raw sina Iwa at PJ.



Sinabi ni PJ na magkaibigan naman daw talaga sila ni Iwa even before the whole incident happened. Pakiramdam nga ni PJ, meron lang gustong sumira sa closeness nila ni Iwa.



"Iwa naman is one of the people close to me noong ginagawa pa namin ang Posh. Talagang barkada kami. Yun nga lang, may mga taong gusto kaming siraan kaya nakagawa sila ng way para magkagalit kami," palagay ni PJ.



Dagdag pa niya, "But after everything, okay na kami ni Iwa. Nagbabatian na kami ngayon unlike before na umiiwas siya sa akin. Ako naman, I respect women and I do respect Iwa. Alam ko naman na she's a nice girl, misunderstood lang. But when they get to know Iwa better, they will find out that Iwa has a good heart. Palabiro lang kasi one of the boys siya kung kumilos. But she's really a fun person to be with."



Incidentally, special guest ni PJ ang boyfriend ni Iwa na si Yexel Sebastian sa magiging show niya sa The Library ngayong March kung saan guests din niya sina Aryana at Maoui David. May dance number kasi sila ni Yexel at nang mag-meet sila for the first time ay wala raw tension sa pagitan nila.



"Yexel is a nice person. Wala naman kaming naging problema. Kapag may rehearsals nga kami, minsan dumarating si Iwa. Nagkakausap kaming tatlo. It was so nice of him to do a dance number with me sa show. I really appreciate it very much," ani PJ.

Kasama si PJ sa bagong teen show ng ABC-5 titled Teens. Kasama rin siya sa Regine Velasquez-Piolo Pascual movie na Fallen ng Viva Films at Star Cinema. PJ will play the older brother of Piolo in the film's flashback scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN