Hope on James Yap: "Mahal ko pa po siya."


"Sana po huwag n'yo akong husgahan. Huwag kayong magalit sa akin kasi tao lang po ako. Babae lang din ako na na-in love at mahal na mahal ko siya," pleads Hope Centeno, the alleged ex-lover of James Yap.


Ipinalabas na kaninang hapon, February 24, ang inaabangang exclusive interview ng Startalk kay Hope—ang babaeng nagke-claim na nagkarelasyon sila ng basketball player na si James Yap. Si Hope din ang itinuturong sanhi ng diumano ay pagkakalabuan ni James at ng kanyang asawang si Kris Aquino.

Nilinaw ng Startalk kung ano ang tunay na trabaho ni Hope sa klinikang pinagtrabahuan niya noon—sinadyang hindi binanggit ang pangalan ng clinic, pero hindi na kaila sa lahat na ang tinutukoy ay ang Belo Medical Clinic sa Timog Avenue. Si Hope ay isang receptionist doon, taliwas sa unang naibalita na isa siyang nurse o facialist.

Sa nangyaring interview kay Hope ay nakatalikod siya sa kamera, pero panaka-naka ay ipinakikita ang ilang bahagi ng kanyang mukha pati na ang ilang mga larawan niya, kabilang na ang mga kuha nila ni James.

Ayon sa pahayag ni Hope, nagsimula ang relasyon nila ni James noong March 2006 at huli silang nag-usap noong January 15, 2007. Humigit-kumulang sampung buwan ang itinagal ng kanilang relasyon.

Napilitan daw si Hope na lumantad at ibahagi ang kanyang panig pagkatapos niyang mapanood ang paghingi ni James ng tawad kay Kris sa The Buzz last Sunday, February 18.

Si Lolit Solis ang nagsagawa ng interview kay Hope, ngunit maririnig din sa audio ang boses ng Startalk reporter at entertainment columnist na si Gorgy Rula.

Narito ang kabuuan ng ipinalabas na panayam ng Startalk kay Hope:

Alam mong may asawa si James, bakit ka pumatol sa kanya?
Kasi po malambing siya.

Niligawan ka ba ni James?
Opo. Lagi po siyang nagte-text sa akin. Saka lagi siyang nagpupunta sa dating pinagtatrabahuhan ko.

Kilalang tao si James, asawa ni Kris. Paano kayo nakakalabas nang walang nakakakita sa inyo?
Nangyari lang po ang lahat sa loob ng opisina. Sa dati kong pinagtatrabahuan.

Hindi alam ng mga taong nandodoon?
May mga iba pong nakakaalam, tulad ng facialist niya [James], si Elise. At saka yung scrubber niya, si Mitos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Elise ang bridge ninyong dalawa ni James?
Opo.

Bakit nung huli kong nakausap si Elise, ang sabi niya, "Huwag ka maniwala 'Nay Lolit, ilusyon niya lang ‘yon." Ikaw daw ang in love na in love kay James, stalker ka ni James, tsaka fatal attraction [sic] ka kay James.
Hindi po totoo ‘yon. In the first place po, alam ni Elise na hindi ko type si James at may asawa na siya. Kada punta dun ni James, alam niya [Elise] kung ano ang nangyayari sa amin dahil nagpapakuwento siya.

Gaano kadalas magpunta si James do'n?
Once a week, every Monday.

Hindi na kayo nagkikita ng ibang araw?
Hindi na po, pero puro text at tawag.

Nag-uusap kayo ni James?
Opo.

Paano siya nakaka-text sa ‘yo? ‘Pag wala siya sa tabi ni Kris? Kahit nandun si Kris, nakakapag-text siya sa ‘yo?
Minsan po katabi niya daw si Kris. Kasi hindi naman daw nagbabasa si Kris ng messages niya. Wala raw silang pakialaman ng cell phone.

Sa tagal na ‘yon, na-feel mo bang na-in love sa ‘yo si James kahit once a week lang kayo nagkikita?
Na-feel ko kasi lagi siyang nagte-text. Na-in love po ako talaga sa kanya. Ang naging kasalanan ko po is nagmahal ako.

Nang malaman ni James na nawalan ka ng trabaho, hindi man lang ba siya nag-attempt na tawagan ka?
Hindi po.

Wala man lang bang suporta galing sa kanya?
Wala po.

Halimbawa, tumawag siya sa ‘yo, ready ka pa rin? Mahal mo pa rin ba siya?
Mahal ko pa po siya.

Sa pagkakakilala mo kay James, pursigido ba siya kung may gusto siyang gawin?
Oo, ‘pag gusto niya, gusto niya.

Hindi mo na siya tinawagan?
Hindi na po. Mula nang nalaman na nga, nung may mga lumabas na blind items, ganyan, hindi ko na siya tini-text. Hinihintay ko na siya ang mag-text sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero Hope, hindi ka buntis?
Hindi po.

Kasi yun ang balita dati, na kaya ka nawala dahil baka daw buntis ka.
Hindi po.

Kung may message kang sasabihin kay Kris, ano ang message mo?
(Medyo palaban ang tono ng boses) Lalake ‘yan [James], hindi basta-basta aamin. Kahit nga meron nang pruweba, nagde-deny pa rin ‘yan. Kasi ako, may pruweba ako. Kaya huwag niya akong parang basta-basta inaapi, na palabasing sinungaling, na ako yung naghahabol sa asawa niya!

Message kay James...
(Biglang nag-iba ng tono) Kay James, sana hindi niya ako basta binalewala. Tapos yun, nakipagkita siya sa akin, namimilit na magkita kami.

Dalaga ka?
Opo.

Feeling mo ba in love na in love siya [James] sa ‘yo?
Hindi naman in love na in love. May nararamdaman siya.

May galit ka bang nararamdaman kay James?
Naaawa ako.

Napanood mo ba yung paghingi ng tawad ni James kay Kris sa The Buzz?
Pinanood ko ‘yon. Para siyang robot. I mean, lalake siya, sana man lang may ginawa na siya, e. Bago ka naman gumawa ng bagay-bagay, alam mo naman yung mga consequences. Ako nung pinasok ko ‘to, alam ko kung ano ang mangyayari. Nasasaktan ako, mahal ko siya, pero hindi ko na inisip ‘yon. Sabi ko, sige, ganun talaga, e. E, na-in love na ako, e! Wala na akong magagawa dun. Wala akong pinagsisisihan.

May pangako ba siya sa ‘yo?
Wala siyang pangako.

Dun sa 10 months, wala siyang sinabing I love you?
Wala po.

Wala man lang siyang sinasabi sa ‘yo?
Yung pagte-text niya.

Sa mga text niya, may mga ‘I love you'?
Wala, wala. Kasi ako naman, hindi ko naman na [ini-expect] na mag-'I love you' pa siya kasi alam ko namang may asawa siya. In the first place, alam ko kung saan ako lulugar. Hindi ako mag-e-expect ng ganun.

Kahit kayong dalawa, sa moment of intimacy n'yo, wala kayong ganun?
Wala po. Wala po kaming ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nung naging kayo [ni James], hindi pa buntis si Kris?
Hindi pa. Ano po kasi ‘yon, two weeks kaming magka-text na no'n ‘tsaka lumabas na ikinasal na sila. Wala po ako talagang balak na sirain [yung pagsasama nila]. Tulad nang sabi niya [Kris] na kung sino man daw yung... Parang sinabi niya sa The Buzz na, ‘kung sino man siya na may gustong sirain ang marriage ko, puwes, sa ngayong point, hindi siya magtatagumpay.' Ang sa akin lang, hindi ko sinisira. Kasi nung pinasok ko ‘yon, alam ko kung saan ako. At hindi ako naghangad na pangakuan ako ni James ng kahit ano. Ayoko sana ding magpa-interview or what, kasi gusto ko na ring manahimik, e. Hindi naman ako showbiz para pag-usapan.

Ayaw mo lang yung usap-usapan na ikaw yung naghahabol?
Opo. Ayoko lang yung balitang yon, na parang nilalabas pa nila na... Wala ako ni pisong hiningi kay James.

Hindi naman siya nagkukusang bigyan ka?
Hindi po.

Ikaw, may ibinibigay ka sa kanya?
Wala.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Hope sa mga tagahanga nina Kris at James: "Sa mga sumusubaybay po kay Ms. Kris Aquino at kay James Yap, sana po huwag n'yo akong husgahan. Huwag kayong magalit sa akin kasi tao lang po ako. Babae lang din ako na na-in love at mahal na mahal ko siya. At ngayong naiwang mag-isa, kawawa!" (Laughs).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN