Judy Ann on the wedding rumors: "Kapag nakaipon na siguro."


After the blockbuster success of their first movie, the real-and-reel couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo are set to do another movie, but this time, under Mother Lily's Regal Entertainment.


Naging usap-usapan sa presscon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kahapon, February 24, 2007, ang diumano ay plano nilang pagpapakasal sa buwan ng Mayo. Sa panayam ni Ricky Lo sa dalawang lovebirds, binanggit ni Ryan na gusto raw niyang ikasal sa buwan ng Mayo.

Magpapakasal na nga ba ang isa sa mga pinakasikat na celebrity couples sa local showbiz ngayong Mayo?

Ang sagot ni Juday, "Busy na lang muna sa trabaho as of now. Wedding plans, kapag nakaipon na siguro. Ako, hindi pa nakaipon, e."

Pabirong sagot naman ni Ryan, "Lakas ng loob ang iipunin."

At kung sakaling sila ang magkakatuluyan, saan naman nila gustong magpakasal? Sa ibang bansa ba o dito sa Pilipinas?

Ang sagot ng TV host-actor ay, "Oo [dito muna sa Pilipinas], para walang divorce."

Ikinatuwa naman ni Judy Ann ang naging pahayag ng boyfriend, "Ang saya, ‘di ba? Bibihira na ang lalaki na ayaw ng divorce. Karamihan ng lalaki kapag tinanong mo, ‘Siguro sa ibang bansa na lang.' ‘Bakit naman?' ‘Para may divorce.'"

At kung buwan naman ang tatanungin, Mayo talaga ang gusto ni Ryan. Aniya, "Why May is significant for me? Kasi 'yong parents ko were married May 6 and my brother was married May 5.

"If I were gonna get married—even before I had a relationship with Juday—basta ako, kung ikakakasal, kung ako 'yong masusunod, Mayo, para po ayon dun sa anniversary [ng parents ko]."

Dagdag pa ng boyfriend ni Juday, "Kasi my brother got married on the 25th anniversary of my parents, so sana ako makapagpasabay din sa kanila. Regardless of who the partner was, noon ko pa na-decide na May."

Gayunman, kung sakaling si Judy Ann raw ang babaing pakakasalan niya ay hihingin pa rin niya ang opinyon nito.

Pahayag ni Ryan, "I'll have to consult her, when the time comes—kung gusto n'ya rin sa Mayo. Kasi ang birthday niya Mayo rin, 'tsaka naniniwala kami na 'yong unang ulan ng Mayo, kapag tinamaan ang reception mo, blessing 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakda sina Judy Ann at Ryan na gumawa ng pelikula sa ilalim ng Regal Entertainment. Magiging second movie nila ito, kasunod ng Kasal, Kasali, Kasalo, na naging certified blockbuster noong nakaraang Metro Manila Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN