Panky Trinidad: "Babae po ako!"


"Ganito lang po akong kumilos. Sige, okay lang kung sabihin nilangtomboy ako. Pero ganito na po ako ever since dahil lumaki akong walanglalaki sa bahay namin," explains Panky Trinidad.



Nilinaw ni Panky Trinidad na friends lang sila ng kanyang kapwa Pinoy Dream Academy (PDA) finalist na si Chad Peralta. Ayon pa sa openly bisexual na si Panky, madalas lang daw silang magkatuwaan ni Chad.



"Iyong issue po na ‘yon ay nagsimula nang magkasama kami ni Chad sa isang room sa hotel na tinirhan namin sa Cebu noong magkaroon ng show sa Cebu Coliseum last February 2," kuwento ni Panky.

Paliwanag pa niya, "Wala po namang problema sa akin na si Chad ang nakasama ko sa room, friends po kami at sa tagal nang ipinagsama namin sa Bahay ni Kuya noong PDA namin, para na kaming magkakapatid. Si Chad, madalas po kaming mag-usap niyan, kasi iisa po ang pananaw namin sa buhay at iisa rin ang taste namin sa music."

Paano kung may manligaw nga sa kanya, sasagutin ba niya?

"Oo po naman, babae po ako!" natatawa niyang sagot. "Ganito lang po akong kumilos. Sige, okay lang kung sabihin nilang tomboy ako. Pero ganito na po ako ever since dahil lumaki akong walang lalaki sa bahay namin. Kaya bilang eldest sa magkakapatid—we are three—gusto ko silang protektahan. Naniniwala kasi akong kung ano ang pwedeng gawin ng mga lalaki, pwede ko ring gawin.

"Kung may manliligaw ngayon, opo, sasagutin ko kung mahal ko siya talaga. Nagkaroon na po ako ng mga boyfriends. Sabi nga nila, playgirl daw ako. Bago po ako nag-join sa PDA, nakipag-break na ako sa boyfriend ko of eight months, kasi papunta siya ng Dubai. May banda rin kasi siya at may business doon. Wala na po kaming communication, nagpalit na ako ng cell phone number ko.

"Kung may boyfriend po ako, hindi niya ako pwedeng baguhin sa pagkilos at pagsasalita ko dahil hindi ko rin siya babaguhin. Dapat mahalin namin ang isa't isa kung ano kami talaga," pahayag pa ni Panky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Payag din siyang magpakasal at magkaanak?

"Opo," mabilis niyang tugon. "One day, gusto ko ring magkaroon ng asawa at magkaroon ng sariling family."

Kay Direk Jon Ilagan ng Dream Big Productions ng ABS-CBN namin nalaman na kinuhang endorser ng isang brand ng diet pills, MedSlim from Germany, si Panky. Within three months daw ay papayat ang singer at maglu-lose ng 30 lbs.

"Totoo po, Direk? Type ko po talagang pumayat at may concept na po ako kung sakaling may ii-endorse pa akong beauty products. Gusto ko po may nakapaligid sa aking mga boys!" nagbibirong sabi pa ni Panky.

Sa February 28 ay aalis na si Panky kasama sina Chad, Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, Ronnie Liang, at Irish Fullerton papuntang Tokyo, Japan para sa pagsisimula ng kanilang "PDA Top 6 World Tour." March 1 ang show nila roon at March 3 ang balik nila sa Pilipinas. Muli silang aalis last week of March para sa United States tour naman nila sa Los Angeles, San Francisco, New York, New Jersey, Las Vegas, San Diego, at Chicago.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN