Mayor Vilma Santos gives way to her brother-in-law


Lipa City Mayor Vilma Santos has reportedly decided to give way to her brother-in-law, Batangas Vice Governor Ricky Recto, for the gubernatorial seat.



Lipa City Mayor Vilma Santos is giving way to her brother-in-law, Batangas Vice Governor Ricky Recto.

Hindi ito pagba-back out, paglilinaw ng mga malalapit kay Mayor Vi nang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoo nga ang balitang umuurong na siya sa pag-file ng candidacy for the gubernatorial position of Batangas this coming May elections. Sinabi nga noon personally ni Mayor Vi na she is willing to serve Batangas base na rin sa panghihimok ng mga taga-roon. Ngunit nasabi rin ng actress-turned-politician na pamilya ang una sa kaniya higit sa lahat.

Nagsimula ang lahat nang naunang mag-announce ng kanyang kandidatura si Ricky, kapatid ni Senator Ralph Recto, ara sa position na governor at patutsadahan agad ang kaniyang hipag na he's the better person qualified for the job. Kinausap niya rin si Mayor Vi about his plans but she can't commit dahil, personally, she has confirmed that she is leaning towards the same position, although puwede rin naman siyang tumakbong congresswoman of their province. Third and last term na ni Mayor Vi ngayong taon na ito bilang alkalde ng Lipa City.

Dahil pamilya ang makakabangga, mas nahirapan si Mayor Vi na mag-decide dahil para sa kaniya, mas importante pa rin ang peace in the family. Hindi niya raw kasi magagawa ang tungkulin niya bilang isang public official effectively kung ang problema sa bahay nila, hindi nila maayos.

Nagkaroon na rin ng kampihan ang iba pang Recto sa namumuong banggaan ng dalawa nilang kaanak. Si Senator Ralph Recto, pumapanig kay Mayor Vi bilang asawa. Nabalita namang kumakampi ang ina nina Ricky at Ralph sa nakakatandang kapatid.

Gustong ipahiwatig ni Mayor Vi that she is giving way and it is her own decision.

Dagdag pa ng nakausap namin, ito ang pagpapatunay ni Mayor Vi na mas mahalaga sa kaniya ang pagkakasundo ng pamilya nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang malaking press con na inaayos ang kampo ni Mayor Vi for her official decision.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN