Ciara Sotto accepts offer to perform in a Las Vegas hotel


Young singer-actress Ciara Sotto may soon follow in the footsteps of Lani Misalucha as a performer in one of the big hotels in Las Vegas, Nevada.



Hindi lang pala sina Tito Sotto, Anjo Yllana, Gladys Guevarra, at Teri Onor ang mawawala sa opening billboard (OBB) ng Eat Bulaga! kundi pati si Ciara Sotto.



Matutuloy na kasi ang pag-alis ni Ciara patungong Las Vegas dahil tinanggap niya ang offer ng isang producer para kumanta sa isang kilalang hotel sa The Strip. Makakasama ni Ciara ang dalawa pang female singers para maging regular performers sa naturang hotel.



Last year pa raw ang offer na ito kay Ciara at pinag-isipan niya ito nang husto. Kung tatanggapin ito ni Ciara, marami siyang iiwan dito sa Pilipinas, kabilang na ang Eat Bulaga! Pero kung hindi naman niya tatanggapin ito, baka naman daw manghinayang siya dahil napakagandang opportunity ang pakakawalan niya.



Balitang na-impress ang naturang producer nang pakinggan nito ang album ni Ciara. Nang bumisita sa Pilipinas ang producer, ni-request daw nitong mapanood si Ciara na mag-show at dahil nagalingan ay kaagad niyang in-offer-an na mag-show sa isang hotel sa Las Vegas ang bunsong anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa.

Sa last week of March na ang lipad ni Ciara patungong Las Vegas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN