Mon Confiado and Ynez Veneracion together again


Character actor Mon Confiado is making up for lost time as he and sexy actress Ynez Veneracion get back together.



High profile ngayon si Mon both on TV and the big screen.

Nag-open last week ang pinakabago niyang pelikula, ang Faces of Love, directed by no less than National Artist for Film and Broadcast Arts Eddie Romero. Mon co-stars with Christopher de Leon, Angel Aquino, Juliana Palermo, and Alfred Vargas. He plays a closet gay lawyer friend ni Juliana na in love kay Alfred.

Rated more than A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula, the highest rating na ibinigay ng CEB for any movie.

Markado rin ang role ni Mon sa Asian Treasures ng GMA-7, kung saan gumaganap siyang kanang-kamay ng main contravida na si Marvin Agustin. This is Mon's biggest role so far in any television primetime soap.

More than this, happy si Mon dahil nagkabalikan na nga sila ni Ynez, a continuation of their on-and-off affair na more than seven years na rin naman. Kahit nang mga panahon na break sila, never silang nawalan ng communication. In fact, si Mon pa nga ang nag-construct ng bahay ni Ynez, him being a Civil Engineering graduate sa Mapua.

Tapos na ang relasyon nina Mon and Juliana, his co-star sa Faces of Love kung saan sila nagkakilala. Alam ni Mon na may bago na raw boyfriend si Juliana kaya happy na rin siya for her.

Inamin din ni Mon na madalas silang magkasama ni Ynez ngayon para ayusin ang nasira nilang relasyon. Si Mon ang bumabawi ngayon kay Ynez.

Aalis si Ynez papuntang United States at balak siyang sundan ni Mon if his time and schedule permits it.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN