Lotlot de Leon files motion for nullity of marriage to Ramon Christopher


Lotlot de Leon cites their young age when they got married as the reason of motion for nullity of marrige to Ramon Christopher.



Matagal nang plano ng aktres na si Lotlot de Leon na maghain ng motion for nullity ng kasal nila ng kanyang estranged husband na si Ramon Christopher para pareho na raw silang maging malaya.

Kung ikukumpara sa annulment, mas light ang motion for nullity na kalimitang iginagawad sa mga mag-asawa na nagpakasal at a very young age at hindi nagtagal ang pagsasama.

Wala pa sa legal age si Lotlot nang ikasal sila ni Monching. Seventeen pa lang noon si Lotlot samantalang si Monching naman ay 19 pa lang.

Ang annulment naman ay petisyong inihahain ng hindi magkasundong mag-asawa na may pinagbabasehang psychological incapacity at iba pang grounds.

Pero dahil edad nga lang pagbabasehan sa ipinasang mosyon ni Lotlot para mawalan ng bisa ang kasal nila ni Monching, motion for nullity lamang ang inihain ng abogado ni Lotlot na si Atty. Arnold Labay. Naganap ang paghahain ng motion last February 21.

Ayon sa isang source na nakausap ng (PEP) Philippine Entertainment Portal, nag-ipon muna ng pera si Lotlot kaya medyo natagalan bago ito nakapaghain ng ganitong mosyon sa korte. Hindi rin kasi birong halaga ang perang kakailangan sa kabuuang itatakbo ng prosesong ito.

At dahil magkaibigan pa rin naman hanggang ngayon sina Lotlot at Monching, hindi nagkaroon ng pagtatalo ang dating mag-asawa bago isinagawa ang planong ito ni Lotlot. May permiso ni Monching ang petition for nullity na ito.

Kahit ang mga anak nila ay kinausap muna nila bago sinimulan ang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal. By this year, inaasahang bababa na ang desisyon sa naturang motion. Nilinaw ng magkabilang panig na walang third party involved sa kanilang paghihiwalay.

Career ang priority ngayon ni Lotlot, na isa sa main stars ng Princess-Charming na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN