Judy Ann and Ryan give each other a laptop on Valentine's day


Unknown to them, real-life couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo both had a laptop as a Valentine gift for one another.



Sa Anilao, Batangas nag-celebrate ng Valentine's day sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Nandun ang magkasintahan with some friends from February 13 to 16.

"Magda-dive talaga sana kami, kaya lang masyadong malamig ang tubig kaya nagtsikahan na lang kami!" tumatawang bungad na pahayag ni Judy Ann sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing nila ni Ryan for a new movie para sa Regal Entertainment last Saturday, February 24, sa Imperial Palace Suites.

At may matching gifts pa sila para sa isa't-isa...

"Oo, Valentine's! Yung gift ko? Sapat lang. Nakakahon, nakabalot e. Malaking kahon," paiwas na sagot ni Juday.

Pero later on, napaamin din sila ni Ryan na laptop ang gift nila sa bawat isa. Sinadya ba nila na pareho ang gift nila sa isa't?

"Hindi, nagkataon lang yun. Mas may thrill lang yung pagbigay niya sa akin ng gift kasi ginawa niyang parang Amazing Race [reality show sa United States]. So kinailangan kong tumakbo at hanapin yung gift ko in thirty minutes. So enjoy," nakangiting kuwento ni Juday.

Pinahirapan din ba niya si Ryan bago nito nakuha ang laptop?

"Hindi! Nag-prepare lang ako ng dinner. Siyempre, kailangan kong gamitin yung pinag-aralan ko, so nag-prepare ako ng dinner. Nag-set-up lang kami ng dinner for two du'n sa beach, so yun lang," sabi ng Culinary Arts graduate.

Kuwento naman ni Ryan, "Ako, ginimikan niya ako. Isinet-up yung dinner, ang mga candles, hindi sa table, pinalibutan kami ng candles. Kung medyo manipis ang suot ko nu'n, baka nagliyab ako!

"Tapos binigyan niya ako ng toy laptop. So ako naman, takang-taka ako kasi binigyan niya ako ng maliit na iPod, yung Nano, kasi matagal ko nang gustong bilhin yun.

Dagdag niya, "Siya naman, pinipigilan niya ako, kasi marami na nga akong mga iPod. Sabi niya, ‘Hindi mo na kailangan ‘yan.' So when she gave it to me, sabi ko, ‘Okay, thank you.' Akala ko, yun na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos binigyan niya ako ng plastic laptop. Sabi ko, ‘Anong gimik ito?' So nung umakyat ako sa kuwarto ko, pagtingin ko, nandun na ‘ung laptop ko, nakabukas!" masayang kuwento pa ni Ryan.

Samantala, tinanong namin si Juday kung ano ang nararamdaman niya sa pag-a-adjust ng schedule niya sa pagbubuntis ni Claudine Barretto. Hanggang ngayon kasi, hinihintay pa ang panganganak ni Claudine bago ituloy ang pelikulang pagsasamahan nila sa Star Cinema.

"Ang sa akin lang naman, kailangan ko lang magtrabaho," paliwanag niya. "I really have nothing against Claudine because si Claudine naman, kaibigan ko talaga. Ayoko rin namang ma-pressure si Claudine na, ‘Kailangang manganak na ako dahil may pelikula akong gagawin!' Hindi, di ba?

"Siyempre, first time niyang magbubuntis, kailangang namnamin niya yun. Ang sa akin lang naman, kailangan kong planuhin din ang sarili kong schedule, di ba? May mga binabayaran ako, may kaso akong inaasikaso [sa Bureau of Internal Revenue], hindi ako puwedeng tumengga.

"Kailangan kong kumayod kasi hindi ako papayag na isang araw, gigising ako na wala nang kakainin ang pamilya ko kasi naghihintay ako ng project. So, kailangan kong maghanap ng trabaho," pahayag pa niya.

Ito ang dahilan kung kaya't tinanggap ni Judy Ann ang offer ng GMA Films para sa horror movie nila ni Jolina Magdangal, ang Ouija. Pumirma na rin ng kontrata sina Juday at Ryan, at ang respective managers nilang sina Alfie Lorenzo at Noel Ferrer, para sa isang bagong pelikula sa Regal Entertainment, Inc. ni Mother Lily Monteverde.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN