Mark Bautista admits liking Irish Fullerton


"Sa ngayon, nasa getting-to-know stage pa kami," says Mark Bautista about Irish Fullerton.



Pagkatapos ma-link ang pangalan ng Pinoy Dream Academy (PDA) finalist na si Irish Fullerton kay Luis Manzano, heto at si Mark Bautista na raw ang bagong dumidiskarte sa Fil-Am singer.

Nagsimula silang ma-link nang lumabas ang balita na sinundo ni Mark si Irish papunta sa surprise birthday party para kay Anne Curtis. Sa panayam kay Irish, inamin nito na kung manliligaw sa kanya si Mark ay may pag-asa ang binata.



Hindi ikinakaila ni Mark na nasa getting-to-know-each-other stage sila sa ngayon ni Irish, kasamahan niya sa ASAP '07 ng ABS-CBN. Nandun din ang pag-asa sa puso niya na mauwi ang kanilang samahan sa isang mas malalim at seryosohang relasyon.



"Hopefully, papunta na nga dun," asam ni Mark. "Sa ngayon, nasa getting-to-know stage pa kami. Sabi ko nga kay Irish, akala ko supalada siya, pero hindi pala. Mabait siya, sobrang close sa family niya, and hindi maarte. 'Tapos ang galing pa niyang mag-Tagalog."

Ikinuwento rin ni Mark sa PEP kung paano sila nagkakilala at naging close ni Irish.



"Ipinakilala kami ng isang friend namin na director," sabi ni Mark. "Text-text ‘tapos lumalabas na kami. In-invite ko siya na baka gusto niyang pumunta kami sa birthday ni Anne. After that, last February 26, isinama ko siya sa concert ni Ai-Ai [de las Alas] sa Klownz Araneta kasi nag-guest ako."

Sa mga past interviews namin kay Mark ay inamin nito before na mayroon siyang constant date na non-showbiz. Nang ipaalala namin ito kay Mark ay hindi naman niya ito itinanggi, pero hindi rin daw natuloy sa seryosohan ang kanilang relasyon.

"Nabanggit ko talaga na may idine-date akong non-showbiz before," pag-amin niya. "Ang nagyari kasi, di kami madalas magkita. Hindi rin niya naintindihan yung nature ng work ko. Ang naging problema, ‘pag nali-link ako sa iba, nagtatanong siya kung totoo ba yun. Ngayon, I just go with the flow."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalita rin dati na nanligaw si Mark kay Rachelle Ann Go, pero naunahan siya ni Christian Bautista. Binalak din niyang ligawan si Rufa Mae Quinto, pero si Erik Santos ang naging boyfriend nito. Diniskartehan din daw niya si Jasmine Trias, pero nasulot naman ni Kris Lawrence.

Sa tingin ng iba ay babagal-bagal kasi si Mark kaya nauunahan siya. Ano ang reaksiyon niya rito?



"I'm not in a rush. Hindi ko kailangang madaliin ang lahat ng bagay dahil kailangan kong magka-girlfriend o magkaroon lang ng relationship. I'll just take things easy and lightly. Isa pa, may ipinapatayo akong bahay sa Commonwealth. So ang focus ko ay mag-ipon muna ‘tsaka ang career ko," paliwanag ng binata bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN