Iya Villania denies rumor linking her to a non-showbiz guy


"I'm very happy with Drew," says Iya Villania.



Itinuturing na ang relasyon ng magkasintahang Drew Areallano at Iya Villania ang isa sa pinakamatatag sa mga relasyong nabuo sa loob ng show business.



Kung ang iba ay nauwi na sa cool-off o breakup, naging epektibo ang pagiging pribado kahit papaano ng relasyon nina Iya at Drew upang hindi ito gaanong pagpiyestahan ng ibang tao. Ang loyalty at pagiging tapat sa isa't isa ang maaring isa sa dahilan kung bakit going stronger pa rin ang ilang taon na ring relasyon nila.



Marami nga lang ang nagulat sa lumabas na balita na nakita daw si Iya sa isang food chain na malapit sa university na pinapasukan na may kasamang ibang lalake. Ayon sa balita ay sweet at kung titingan daw ay parang may espesyal na relasyon dito ang young actress.

Nilinaw ni Iya ang nasabing isyu sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, February 25, sa backstage ng ASAP '07 ng ABS-CBN.



"Alam mo, nakakatawa ang issue na ‘yan," panimulang sabi niya. "Grabe, kasi kaklase ko lang yun! Ka-block [section] ko mula first year college kaya talagang kilala ko, he's my friend. Saka si Drew, kilala niya lahat ng kasama ko. Saka ayoko rin naman na mangyari yun sa akin, so bakit ko gagawin sa iba?



"Saka ano ba ang ginagawa ko nung kasama ko yung guy? May masama ba kung kumain kami? Iba naman kung magka-holding hands kami, kung nagki-kiss kami, or malambing kami sa isa't isa. Pero hindi, e. Sinusuntok ko nga yun, ginagawa kong punching bag!" natatawa pa niyang kuwento.

Nang tanungin kung ano ba ang talaga ang totoong estado ng relasyon nila ni Drew, ito ang naging pahayag ni Iya: "We are very good. Three years and nine months na kami. I'm very happy with Drew. We're getting to know each other a lot more, naging deeper na rin yung relationship namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang gagawin niya kung saka-sakaling malaman niya na may ibang babae si Drew?



"Definitely masa-sad ako, but I don't think Drew would do that. We put so much in this relationship so sayang naman," aniya bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN