Dawn Zulueta: "I try not to have enemies."


"I try not to have enemies. I always try to be as calculating as possible. Hindi lahat ng issue papatulan ko. I see to it that I carefully choose my battles," says Dawn Zulueta.



Naniniwala si Dawn Zulueta sa kasabihang "less talk, less mistake" kaya kapag may ibinabatong intriga sa kanya, as much as possible ay iniiwasan daw niyang mag-comment.

Gaya na lang ng isyu sa kanila noon ni Gretchen Barretto. Sa kabila ng pagsasalita ni Gretchen bilang reaksiyon sa sinabi diumano ni Dawn—na nag-prima donna si Gretchen during the shoot for a magazine and a shampoo commercial na pinagsamahan nila ni Dawn—ay mas pinili ni Dawn na manahimik na lang.

"Let's not talk about that. Anyway, you already have read about it. I don't have to talk about it," madalas na sagot ni Dawn noon kapag natatanong tungkol sa napapabalitang away nila ni Gretchen.

Katwiran ng aktres ay ayaw niyang magkaroon ng kaaway.

"I try not to have enemies. I always try to be as calculating as possible. Hindi lahat ng issue papatulan ko. I see to it that I carefully choose my battles," pahayag ni Dawn sa press conference para sa bagong endorsement niya na ginanap sa Makati Shangrila Hotel.

Naniniwala si Dawn na kung magsasalita siya ay baka lalo lang lumala ang sitwasyon at ito raw ang iniiwasan niyang mangyari. Aminado naman si Dawn na hindi ganoon kadaling ipagkibit-balikat ang ilang isyu, lalo na kung masyado itong personal at below the belt na.

"There has to be a lot of understanding on my part. I assessed things and don't just say things. Like what I said, namimili lang ako ng aking battles," aniya.

Samantala, nang tanungin kung papayagan ba niyang mag-artista rin ang anak niya na si Jacobo ay diretsahang sinabi ni Dawn na kung siya ang masusunod, hindi pag-aartista ang klase ng propesyon na pinapangarap niya para sa anak.

"Being a celebrity, it's normal to see my kid wanting to become a celebrity also," sabi niya. "But if you're asking me, I don't think it would be the kind of profession that I would encourage my son to go into.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Being a parent, of course you really want to make sure that there is a landscape that more or less they can control, especially if guided with the right and proper education. In showbiz, you don't follow the rules all the time. I'm not putting it down, and don't get me wrong. It's just that showbiz is a very difficult industry to thrive in."

Ngunit ayon kay Dawn, kung talagang gugustuhin ng anak niya na pasukin ang showbiz balang araw ay hindi raw siya tututol. Pero kailangang tapusin daw muna nito ang pag-aaral.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN