Judy Ann's mother celebrates 60th birthday!


Young superstar Judy Ann Santos hosted a birthday party for her beloved mother, Mommy Carol Santos, last February 24 at the Teatrino, Promenade, Greenhills.



White ang motif sa ginanap na birthday celebration para sa kaarawan ng butihing ina ni Judy Ann Santos na si Mommy Carol Santos last Saturday evening, February 24, sa Teatrino Promenade, Greenhills. True enough, halos lahat ng dumalo ay nakaputing kasuotan as requested.

Although very exclusive ang birthday party ni Mommy Carol para sa mga invited guests (family members, relatives, former schoolmates, and close friends only), nagmistula rin itong isang mini-concert na naging ballroom dancing sa bandang huli.

"Mahilig kasi si Mommy na manood ng mga concerts, kaya naisipan namin na magkaroon ng isang show para sa kanya," says Juday na punong-abala sa selebrasyon, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Kuya Jeffrey at Ate Jack.

Nag-perform ang bandang Bedroom Boys ng mga hits from the ‘60s, ‘70s, and the ‘80s; ang mga stand-up comedians na sina Anton Diva, Phillip Lazaro, at Vice Ganda; ang mga produkto ng Philippine Idol (PI) na sina Jan Nieto at Pow Chavez (na ang sabi ni Mommy Carol ay malaki ang perang inubos niya noon sa pagti-text kay Pow sa PI); at sina Aiza Seguerra at si John "Sweet" Lapus (na in-impersonate si Mommy Carol at nagsilbing host of the night).

Ang mga celebrities naman na um-attend ay sina Mylene Dizon—isa sa mga best friends ni Judy Ann—who came with former sweetheart Paolo Paraiso and son Thomas Miguel; Mother Lily Monteverde; Malou Choa-Fagar, na nanggaling naman sa birthday party ng GMA-7 lady boss na si Miss Wilma Galvante—also held that night sa C3 Events Place sa Greenhills din; Direk Maryo delos Reyes; Juday's favorite fashion designer Paul Cabral; Jo-Ann Maglipon of YES! magazine; ang ina ni Piolo Pascual na si Mommy Amelia—na best friend ni Mommy Carol since high school pa; character actress Mel Kimura with son Andrei; beauteous actress Beth Tamayo, na dumating kasama ang ina niyang si Mommy Zeny; at si Arnell Ignacio na nagmistulang dance instructor sa walang humpay na pagsayaw buong gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang nagka-countdown sa pagpatak ng 12 midnight (February 25 ang mismong birthday ni Mommy Carol) for the blowing of the birthday candles nang humahangos na dumating ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta. Nang nakita siya ni Mommy Carol ay umiiyak na niyakap niya si Sharon.

Buong-pagmamalaking sinabi ni Sharon na miyembro rin siya ng Santos family, na sinegundahan ni Mommy Carol sa pagsasabing siya ang pangalawang ina ni Sharon. Nag-stay sa party ang Megastar ‘til five in the morning sa pakikipagkuwentuhan kina Judy Ann, Beth, at Rufa Mae Quinto na humabol rin from Miss Galvante's party.

Of course, present at tumulong din sa pag-aasikaso ang boyfriend ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo, na sabi nga ni Jeffrey ay miyembro na rin ng kanilang pamilya.

Special guest ang kapatid ni Mommy Carol na si Juliette Lumagui, na sa Canada na naninirahan. Ginawan ng paraan ni Judy Ann na makauwi sa Pilipinas ang tiyahin just for the party.

Ang pagkain ay catered ng Teatrino, although ang paella at callos at lahat ng desserts ay nanggaling sa Café Ysabel.

It was indeed a very sweet 60th birthday celebration for Mommy Carol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN