Sandara Park saddened by lack of work from her mother studio


Sandara Park says she is happy that there are still some producers who get her services.



Nalulungkot si Sandara Park dahil sa kawalan niya ng trabaho sa kaniyang home studio, ABS -CBN.

A product of the first Star Circle Quest kung saan runner-up siya ni Hero Angeles, accepted ng Korean star na wala na ang init niya 'tulad ng dati. Tanggap niya na ring may mga bagong sulpot na stars sa ABS Star Magic wards na mas sikat, so sila ang nabibigyan ng priorities.

Ang ikinakalungkot lang ni Sandara, kung bakit kailangan pa raw siyang ipahiram ng Star Magic sa iba't ibang productions gayong marami namang bagong shows and movies ang ABS-CBN at Star Cinema, respectively.

Sandara's last movie was for Regal Films, ang Super Noypi kung saan nakasama niya ang mga StarStruck graduates na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, and Katrina Halili.

She has a new show ngayon, hindi rin sa ABS-CBN but for another station, ang RPN-9.

Part si Sandara ng unang sitcom ng Solar Entertainment for RPN-9, ang Dalawang Tisoy na pagbibidahan nina Eddie Gutierrez, Freddie Webb, Melanie Marquez, and Dexter Doria. Viva talent and also Close-Up To Fame II runner-up Vince SaldaƱa is Sandara's partner in the sitcom directed by Al Quinn.

Magpa-pilot ang Dalawang Tisoy on March 15, Thursday, sa RPN at 8:30 p.m.

Still, happy pa rin naman daw si Sandara na kahit paano ay may kumukuha pa rin sa kaniya kung kaya't napapahiram siya ng kaniyang mother studio. Sinabi niya ito sa press con for the show na ginanap last February 28, sa Packo's Grill.

Ang isa niya pa kasing ikinalulungkot, even her boyfriend na si Joseph Bitangcol, wala ring trabaho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN