Fil-Am aspiring singer impresses "American Idol" judges


AJ Tablado is one of the outstanding male contestants in the sixth season of American Idol.



Puring-puri ngayon sa Season 6 ng American Idol ang American-Filipino-Portuguese na si AJ Tabaldo na taga-Santa Maria, California.



Sa first two showdown ng male finalists ay isa si AJ sa pinuri ng mga judges na sina Paula Abdul, Randy Jackson, at Simon Cowell dahil sa magandang boses nito na pang-R&B at ang kanyang stage presence.



"Ethnic mutt" kung i-describe ni AJ ang kanyang sarili dahil hindi lang dugong Pinoy at Portuguese (his mother is a Filipino while his father is a Portuguese) ang nananalantay sa kanya kundi may halo rin daw siyang Spanish, French, Italian, at Chinese.



The 22-year old aspiring American Idol ay nagtatrabaho sa UPS Customer Center sa Santa Maria, California. Humingi siya ng two-week vacation para lang mag-audition sa American Idol sa Los Angeles at sinuwerte naman siyang makasama sa Top 24.



Ang mga paborito niyang singers ay sina Brian McKnight, Justin Timberlake, at Stevie Wonder. Hinahangaan din niya sina Beyonce Knowles, Christina Aguilera, at Kelly Clarkson.



Walang formal training in singing si AJ at noong five years old siya unang natutong kumanta. Ang kanyang mga magulang ang itinutring niyang idol dahil sinusuportahan daw nila ang kanyang dream maging isang singer.

Si AJ ang ika-apat na may dugong Pinoy na nakapasok sa Top 24 ng American Idol. Nauna na sa kanya sina Jasmine Trias at Camille Velasco noong Season 3 at si Sway Penala noong Season 5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN