Judy Ann Santos happy to work with both ABS-CBN and GMA-7


While Judy Ann Santos is considered an ABS-CBN star, she can freely work with its rival network, GMA-7, if her schedule permits it.



Kilala bilang artista ng ABS-CBN 2 si Judy Ann Santos, pero may laya rin siyang makapag-guest sa ilang shows ng GMA-7 at gumawa ng pelikula sa film arm nitong GMA Films. Dahil dito, umugong ang balitang malamang lumipat na sa Kapuso network ang Young Superstar.

Ito ang agad na nilinaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Judy Ann sa 7th anniversary ng YES! magazine at launching ng PEP kagabi, February 28, sa NBC Tent, The Fort.

Sinabi ni Judy Ann na hindi maikakailang malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN, at hindi siya gagawa ng malaking hakbang o desisyon na makakasama or magbubunga ng hindi maganda. Ayaw raw niyang magsunog ng tulay, so to speak, with ABS-CBN dahil hindi raw siya ganung klase ng tao. If ever man na lilipat siya ay magpapaalam muna siya at makikipag-usap nang masinsinan sa mga head ng Kapamilya station.

Sinabi rin ni Juday na marami siyang kaibigan sa GMA-7, at wala siyang naging problema sa Kapuso network ever since. Naging host pa nga siya dati sa SOP, bukod sa pagge-guest niya sa mga shows ng Siete. And since wala siyang naging problema, ayaw niyang masira ang koneksiyon niya sa GMA.

Bukod sa TV guestings, tinanggap din ni Juday ang offer ng GMA Films na gumawa ng pelikula sa kanila. Ito ay ang horror flick na Ouija, kung saan makakasama niya si Jolina Magdangal mula sa direksiyon ni Topel Lee.

Matatandaang during the early years of her career, naging member pa ng That's Entertainment ni German "Kuya Germs" Moreno si Judy Ann.
Pero hindi niya kinakalimutan na nabigyan siya ng magandang break ng Dos via their soap operas, like Mara Clara, Esperanza, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Basta't Kasama Kita, Krystala, at Sa Piling Mo. At ngayon nga ay abala siya sa taping niya for Ysabella na malapit na ring mapanood sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya si Juday dahil nabibigyan siya ng pagkakataon na makapagtrabaho sa dalawang giant networks sa Pilipinas—ang Channels 2 and 7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN