Pauleen Luna not yet ready to fall in love again


"Mas maganda yung single talaga. Wala kang masyadong iniisip, wala kang masyadong problema," says Pauleen Luna.



Sinabi ni Pauleen Luna na hindi niya pinagsisihan ang naging desisyong mas pakinggan ang mungkahi ng mga magulang na makipag-split siya kay Marvin Agustin kaysa sundin ang tibok ng kanyang puso.

"Definitely not, kasi hindi naman ako ipapahamak ng parents ko," panimulang pahayag ng young actress sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Wednesday, February 28, sa press con ng Met Tathione sa Annabel's Restaurant, Tomas Morato.

"Inilagay ko lang sa isip ko na I'm only 18 and girls my age should still follow their parents. Hindi naman porke 18 ka na—kasi yun ang common misconception of girls my age, e—when you turn 18, you can decide on everything, na puwede mo nang suwayin ang parents mo. Yung parents mo naman, hindi ka nila ipapahamak, e. They would always want the best for you. So ako, sumunod lang ako, and I trust my parents very much siyempre," paliwanag ni Pauleen.

Ayon pa sa kanya, hindi naman maituturing na pagsasakripisyo sa sarili niyang kaligayahan ang kanyang ginawa. "Well, I consider naman the fact that I'm still young, e. Dapat yung mga girl my age, dapat na sumusunod pa ‘yan sa magulang."

Ipinahayag pa ng dalaga na wala pa sa isip niya ang magmahal muli after niyang makipaghiwalay kay Marvin. Pero inamin naman ni Pauleen na nami-miss pa rin niya ang aktor.

"I'm not ready to get into a relationship soon," sabi ni Pauleen. "Kasi mahirap, e. Mas masarap pa yung you just be with friends, you go out, happy-happy. Mas maganda yung single talaga. Wala kang masyadong iniisip, wala kang masyadong problema. Nakaka-miss talaga yung happy times, but then, you can be happy naman with friends alone and with your family.

"Kami naman ni Marvin," patuloy niya, "we text naman once in a while. Pero super-minsan lang. Wala naman kaming pag-uusapan kung araw-araw, e. Siyempre, hindi naman puwedeng hindi mo ma-miss. But then, I'm okay na and he's okay. Si Marvin kasi, he is a very thoughtful guy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman kaya ang sabi ng parents niya sa pakikipaghiwalay niya kay Marvin?

"Well, they are proud of me ‘coz I'm an obedient daughter," nakangiting pahayag ni Pauleen.

Ayon pa rin sa young actress, kung maibabalik ang panahon, maaari pa rin siyang ma-in love kay Marvin. Pero hindi raw siya sigurado kung sa hinaharap ay puwede pa rin silang magkabalikan.

"I don't know, I can't say. Puwede o puwedeng hindi. Hindi ko alam kung magkakabalikan pa kami," aniya.

Tungkol naman sa balitang si Angel Locsin ang nililigawan ngayon ni Marvin, ito ang pahayag ng aktres: "Well, siya [Marvin] na ang bahala. But Angel is a very nice girl. Angel is my friend and sobrang sweet niya at sobrang bait. Kung sila, well, at least Angel is a good person."

Ibinukinb din ni Pauleen ang lalaking pinakamalapit sa kanyang puso sa ngayon, pati na ang kanyang crush.

Ani Pauleen, "Si Keempee [de Leon] puwede. Si Paolo Ballesteros... Yung mga kasama ko sa Eat Bulaga! Kasi sila yung mga nakakasama ko every day, sila yung mga nasasabihan ko ng mga kuwento ko sa buhay.

"Crush ko? Ako, I admire Christian Bautista. He is a very good singer, I think he's a very nice person. But nothing beyond that," maagap na esplika pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN