Tin Arnaldo is already four months pregnant!


Just like her friend Tanta Garcia, actress-singer Tin Arnaldo (pictured) is also pregnant. Tin is now in the United States where she plans to give birth.


Hindi lang pala si Tanya Garcia ang buntis ngayon kundi pati na ang kaibigan niyang si Tin Arnaldo. Nagkasama ang dalawa sa soap opera ng GMA-7 noon na Twin Hearts.


Confirmed na buntis din ang actress-singer na si Tin na nasa United States ngayon dahil doon niya planong manganak. Nasa ika-apat na buwan na raw ng pagbubuntis si Tin sa kanyang anak sa isang non-showbiz guy named Mike Dy.


Si Mike Dy ay pinsan ng dating nabalitang boyfriend ni Heart Evangelista na si Ian Dy, na galing sa isang kilalang political family sa Norte. Hindi lang nabanggit ng aming source kung ikinasal na ba o hindi pa sina Tin at Mike .


Napag-alaman din ng aming very reliable source na nahirapan din daw si Tin sa pagbubuntis nito kagaya ni Tanya. Kinailangan din ni Tin ng bed rest for two months para kumapit ang fetus.


Huling napanood si Tin sa defunct GMA-7 show na Love To Love Season 11 kung saan nakasama niya sina Paolo Contis at Isabel Oli. Si Tin ang ex-girlfriend ng sexy actor na si Luis Alandy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN