Oyo Sotto moves to ABS-CBN


After starring in a string of afternoon drama series on GMA-7, Oyo Sotto is will now be seen in ABS-CBN's fantasy adventure series, Pedro Penduko.



Natuloy na pala ang paggawa ni Oyo Sotto ng programa sa ABS-CBN 2. Makakasama na si Oyo sa action-adventure-fantasy show na Pedro Penduko, kung saan bida ang Pinoy Big Brother Teen Edition ex-housemate na si Matt Evans.



Bibigyan ng magandang papel si Oyo sa Pedro Penduko. Hindi pa nga lang alam kung ano talaga ang role niya, pero may kinalaman daw ito sa itatakbo ng istorya at sa mismong buhay ni Pedro Penduko.



Marami ang nagtatanong kung bakit biglang nag-ober da bakod si Oyo mula GMA-7 to ABS-CBN. Ayon sa mga taong humahawak sa career ni Oyo ay wala naman daw silang nakikitang problema dahil walang show ngayon ang young actor sa GMA-7. Wala rin daw kontrata si Oyo with the Kapuso Network kaya libre itong magtrabaho sa kabila.



Pahinga rin muna pansamantala ang TAPE Inc. sa paggawa ng mga afternoong drama series kung saan madalas mapanood si Oyo dahil kinuha muna ng GMA-7 ang kanilang timeslot para sa drama series na Muli, starring Alfred Vargas and Carrie Lee.



Nakasanayan na kasing mapanood si Oyo sa mga afternoon drama shows ng TAPE Inc. tulad ng Ikaw Sa Puso Ko, Leya: Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa, Saang Sulok ng Langit, Kung Agawin Mo Man ang Lahat, Pinakamamahal, at Makita Ka Lang Muli.



Napasama rin si Oyo sa GMA-7 telefantasya na Majika, kung saan bida ang dati niyang girlfriend na si Angel Locsin.



Dahil sa pagpasok ni Oyo sa ABS-CBN ay matutuloy na rin ang plano na pagtambalin sila ng kanyang ex-girlfriend na si Anne Curtis sa Your Song at sa iba pang shows ng Dos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN