No more baby for Yayo Aguila and William Martinez


"Mahal na lahat, kasama na roon ang tuition fees ng mga bata. Siyempre, you want to send them to the best schools, 'di ba? E, yung work naman namin ni William ay hindi naman sunud-sunod," explains Yayo Aguila about their decision not to have another baby.


Kahit na puwede pang magbuntis, wala na raw plano si Yayo Aguila at ang kanyang mister na si William Martinez na madagdagan pa ang kanilang tatlong anak na puro mga babae.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Yayo sa media launch ng Bagets Foundation sa Max's Restaurant, Roces Avenue in Quezon City. Kapansin-pansin ang pagiging slim ngayon ni Yayo dala ng pagkahilig niya sa badminton.



"Pareho kami ni William na nahilig na sa badminton," sabi ni Yayo. "Kapag wala kaming parehong trabaho, yun ang ginagawa namin. Ang maganda kasi is you meet up with friends sa badminton court. Kami-kami rin ang nagkikita-kita kaya hindi nawawala yung tsismisan."



Matagal din daw na inasam ni Yayo na pumayat siya kaya gusto na niyang i-maintain ito. Kaya kapag tinatanong siya kung gusto pa niyang magbuntis, ang laging sagot niya ay tama na raw ang tatlong anak nila ni William.



"Hindi naman sa ayoko na, pero nagiging practical na lang kami ni William," diin ni Yayo. "Isipin na lang nila na mahal na lahat, kasama na roon ang tuition fees ng mga bata. Siyempre, you want to send them to the best schools, 'di ba? E, yung work naman namin ni William ay hindi naman sunud-sunod.



"Nagpapasalamat nga kami sa Diyos because kapag si William ang walang regular show, ako yung nagkakaroon. Like ngayon, kakatapos ko lang ng Daisy Siete last season. This season naman ay si William ang nasa cast. May mga regular guestings naman ako na malaking tulong pa rin sa amin," aniya pa.



Malaki ang involvement ng mag-asawang William at Yayo sa Bagets Foundation na binuo ng original at sequel cast members ng phenomenal youth movie ng ‘80s na Bagets.



Hindi puwedeng kalimutan nina Yayo at William ang Bagets dahil sa naturang pelikula sila nagkakilala at nagkaibigan na nagbunga nga ng isang magandang pamilya. Ito ang dahilan kaya all-out ang suporta nila sa adhikain ng Bagets Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Malaking tulong para sa mga kabataan ngayon ang mabigyan mo sila ng edukasyon. Ilang mga bata kasi ang hindi na nakakapag-aral because hindi na afford ng mga parents nila. Kami sa Bagets Foundation aims to give these deserving kids better education which will lead them to better lives in the future."



Sampu ang mga bata na binigyan ng scholarship grant ng Bagets Foundation sa tulong na rin ng Polytechnic University of the Philippines. Sila ay sina Rosemarie Caasis (19); Joana Marie Albindo (17); Leorey Azcarraga (18); Daren Sabaybay (17); Eddagie Matamis (17); Jenelyn Acutilar (17); Elaine Jolindon (18); Lara Gill Jolindon (17); Val Paolo Origenes (19); at MC Reynan Yting (17).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN