Kiko Pangilinan is Mother Lily's new "Regal Baby"


Senator Francis "Kiko" Pangilinan found a very strong ally in Mother Lily Monteverde of Regal Entertainment.


For the second time, Regal matriarch Lily Monteverde is backing up Senator Kiko Pangilinan's candidacy.

Hindi na bago kay Mother Lily ang sumuporta sa kandidato kapag malapit na ang election. Namimili siya ng mga i-a-adopt niya, not necessarily in showbiz, but at least ang mga may showbiz connection or makakatulong sa industriya.

Nang unang kumandidato si Kiko noong 2001, sinuportahan agad siya ni Mother Lily kahit na ang asawa nito ay ang megastar na si Sharon Cuneta. Si Sharon noon ang pambato ng pinakamahigpit na kumpetisyon ng Regal Entertainment, ang Viva Films. Throughout her illustrious career, Sharon has never made any Regal movie kung kaya't very touched ang Megastar sa gesture ni Mother Lily.

This year, susuportahan muli ng Regal Entertainment ang re-election bid ni Kiko na tumatakbong independent after he was dropped from the Genuine Opposition (GO) ticket at kahit pa may feelers sa kanya ang Team Unity ng administration.

Isang press conference ang ibinigay ng Regal Films kagabi, March 2, sa Imperial Palace Suites ni Mother Lily para kay Kiko at naging star-studded ang affair. Suportado si Kiko ng buong pamilya ng Pangilinan starting with his parents, his siblings, at pati na ang pamilya ni Sharon.

Nandoon din ang ilang kaibigan ng pamilya Pangilinan gaya nina Donita Rose at Ms. Annabelle Rama.

For the coming elections, si Kiko ang pangalawang ginawang "Regal Baby" ni Mother Lily after Sorsogon Representative Francis "Chiz" Escudero na lalaban na rin for Senate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN