Sharon admits being hurt by Dolly Anne's write-up about KC and Lino


"I've heard na sinabi niya sa TV na she's my friend, but with that stupid 'scoop'? So how can you call yourself my friend, 'di ba?" says Sharon Cuneta about Dolly Anne Carvajal.


Kumpara sa masayahin, bungisngis, at minsan ay iyaking Sharon Cuneta na napapanood sa kanyang weekly TV show sa ABS-CBN, may katapangan ang Megastar na humarap sa entertainment press kagabi, March 2, sa Imperial Palace Suites. Ang nasabing press con ay kaugnay ng pagsuporta ng Regal matriarch na si Lily Monteverde sa asawa ni Sharon na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan na tatakbong muli sa darating na eleksiyon.

Very straightforward at may anghang ang mga sagot ni Sharon sa mga tanong ng press kaugnay ng isinulat ni Dolly Anne Carvajal sa kanyang column sa Philippine Daily Inquirer tungkol sa diumano'y Hong Kong vacation ng anak ng Megastar na si KC Concepcion kasama ang TV director na si Lino Cayetano.

Totoo nga bang imbiyerna si Sharon kay Dolly Anne dahil sa isinulat nito sa kanyang column tungkol kina KC at Lino?

"Imbiyerna? I don't know exactly what that word means. I know it's negative," panimulang pahayag ng Megastar.

"Ang sasabihin ko, masamang-masama ang loob ko because I really expected... Because her [Doll Anne's] mother [the late Inday Badiday] and I had a very, very special relationship and I'm very close to her first cousin Carra. I also respected Tita Letty Magsanoc [Inday's sister] so I would have hoped for a little protection from Dolly Anne pagdating sa miyembro ng pamilya ko, lalo't mali ang isinulat at saan nanggaling ito?" mariing pahayag pa ni Sharon.



Dagdag pa niya, "Lumalabas tuloy na mas naniniwala ako kay Ricky Lo [of Philippine Star] kasi parang, at least, may effort na i-find out kung ano ang totoo."



Pero ano nga ba talaga ang namamagitan kina KC at Lino?



"Nalinaw na ni Lino ang mga intriga sa kanila," sabi ni Sharon. "I think it's normal sa isang binata't dalaga na magkakilanlanan. What's there not to like about Lino? Disenteng tao, disenteng pamilya. There is no reason for us not to like him. You know, napakatinong humaharap sa amin at napaka-guwapo, napaka-talented. Hindi puwede sa anak ko ang medyo mahina ang [sabay turo sa ulo]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "So as long as they get along and they are getting to know each other... And as far as I know, it's nothing serious because how can it be? KC is graduating sa May so ang ending nito is...



"Ang concern ko kasi noon, I was waiting for something to come from Lino because it was a total lie that they spent weeks together somewhere. Sabi ko, 'Ano ba 'yan, lumalabas parang nagha-honeymoon, e, nagkakilanlanan nga.' 'Yong plano niyang mag-Boracay, ngayon sasabihin ko na yung plano ni KC na mag-Boracay was planned more than a year before she met Lino. She was with friends and Lino was with his family.



"And when we were in Hong Kong with the whole family, si Lino came for just one day to surprise her because she was flying back to Paris. ‘Tapos lalabas sa diyaryo, iba. At ang masakit noon... Oo, masama ang loob ko dahil 'di ko naman malapit na kaibigan yung sumulat, pero ang mama niya, sobra ang pagmamahal namin sa isa't isa.



"So sana man lang, ang ini-expect ko noon kahit konting... Magsabi ka lamang ng totoo. Hindi yung kung di mo gustong protektahan ang anak ko, parang ... Because I've heard na sinabi niya sa TV na she's my friend, but with that stupid 'scoop'? So how can you call yourself my friend, 'di ba? In that case, return to your friend what you are supposed to. Dati, nagkakaintindihan tayo," mahabang pahayag pa ni Sharon.



Pinabulaanan din ng Megastar ang lumabas na balita na hindi siya pabor kay Lino bilang manliligaw o maging boyfriend ng kanyang panganay na anak.

"Wala akong inaayawan ever since," ani Sharon. "Wala akong inaayawan basta matinong humaharap sa amin. Mas gusto ko naman na makikilala ko lahat ng nakikipagkaibigan sa anak ko at nagpapakita ng interes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"So ako, there is nothing na hindi ko magustuhan kay Lino dahil matino naman itong humaharap sa amin. I really appreciate and I really gave him the respect to do it. Nakakaano nga dahil hindi sanay ang tao sa gulo at hindi ko alam kung bakit interesado sila sa lahat ng gawin ng anak ko.

"I understand that people are interested in who you're going out, pero para mag-imbento ka na parang nag-meet pa lang tayo ‘tapos ang tsismis, nagtanan na tayo, parang pangit, di ba? And she's not like that" pagtatanggol ni Sharon sa anak bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN