Maricar de Mesa and Don Allado no plans of having a baby yet


"We want to enjoy each other's company. Maybe in one or two years, and siguro two to three babies," says Maricar de Mesa about having a baby.


Isa sa pinaka-kontrobersiyal na isyu na pinag-uusapan ngayon ay ang diumano'y pakikipagrelasyon ng 2006 Most Valubale Player (MVP) na si James Yap sa dating receptionist ng Belo Clinic na si Hope Centeno.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy actress na si Maricar de Mesa sa 7th anniversary ng YES! magazine at grand launch ng PEP ay hindi namin maiwasang tanungin kung ano ang gagawin niya kung saka-sakaling ang asawa niyang si Don Allado, na isa ring professional basketball player, ang matsismis ng katulad kay James. Patatawarin at tatanggapin niya ba ulit ang kanyang asawa kung saka-sakali kagaya ng ginawa ni Kris?

"Unang-una, kailangang sigurado muna ako na totoo yung tsismis na ‘yan. I don't know if there would be another chance. Pero sa ngayon, sasabihin kong malabo, lalo't I'm not thinking of having a child at this moment. Iba na rin kasi pag may batang involved," sabi ni Maricar.



"Actually, ‘yan ang sabi nila, connotation talaga ‘yan sa mga basketball players na lapitin ng mga babae. Pero so far, wala pa naman akong nae-experience na ganun sa asawa ko. Pero sana huwag mangyari sa amin, huwag naming mapagdaanan yung ganung bagay."



Dagdag pa niya, "Ang sabi kasi niya [Don] sa akin, bago raw niya ako naging girlfriend, napagdaanan na niya yung babae kabi-kabila. Pero tapos na raw yun."



Kung ang iba ay gustung-gusto nang magkaanak, sinabi ni Maricar na wala pa sa plano nila ni Don ang magka-baby.



"So far, wala pa talaga sa plano namin ang magka-baby," ani Maricar. "We want to enjoy each other's company. Maybe in one or two years, and siguro two to three babies."

Sa nakikitang kaligayahan at positibong aura kay Maricar ay masasabing maligaya nga ito sa naging desisyon na pakasal kay Don. Ayon sa aktres, ang pagpapakasal nila three months ago ay higit na nagpalalim at nagpatibay ng pagmamahal nila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Aside from sa magkasama na kami in one roof, mas naging deep yung relationship namin kaysa nung umuuwi pa ako sa Mom ko. Deeper and another level na yung relationship namin," nakangiting pahayag ni Maricar.

Pero gaya ng ibang normal na pagsasama ay aminado si Maricar na dumadaan din sila sa mga tampuhan at mga away, pero agad naman daw nilang naaayos ni Don ito.



"Mga little things lang talaga, like minsan nagkakapikunan kami. Minsan bad mood ako or kaya bad mood siya. Pero nothing naman na yung talagang lumalaki. Sa awa ng Diyos, magkasundo talaga kami," kuwento ni Maricar.

Kahit may-asawa na si Maricar, sinabi ng sexy actress na handa pa rin siyang tumanggap ng mga sexy and daring roles, pero may limitasyon na nga lang daw.



"Supportive naman si Don, pero siyempre, alam ko ang limitasyon ko. Di na puwedeng mag-breast exposure ngayon. Pero kissing scene, bed scene, okay lang basta ba kailangan talaga and done in good taste," ani Maricar bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN