Jeremy Marquez: "Gusto ko munang ipahinga ang puso ko."


"Sa ngayon ay masaya ako. Walang problema, walang iniisip, walang stress. Masaya ako sa sarili ko ngayon dahil, kumbaga, yung buong oras ko, kung may gusto akong gawin, talagang gagawin ko," says Jeremy Marquez about being loveless.


Gustong magkaroon ng tahimik na buhay ni Jeremy Marquez kaya't ayaw muna niyang ma-involve sa kahit na sinong babae. Ito ang pahayag ni Jeremy sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng HP Ibang Level Na!, kung saan nag-guest ang young actor, sa Filmex Studio, Makati City last February 27.

Well-publicized ang naging affair ni Jeremy sa young actress na si Alessandra de Rossi, lalo na nang nagkabalikan at muling naghiwalay ang dalawa. Dahil dito'y aminado ang anak ni Joey Marquez na iwas-pusoy muna siya sa intriga at magulong buhay, kaya zero sa kasalukuyan ang kanyang lovelife. Mas masaya raw siya ngayon na walang girlfriend.

"Ngayon ay pahinga muna ako," sabi ni Jeremy. "Gusto kong mag-isa muna, gusto ko munang ipahinga ang puso ko. Ayoko munang ma-link ngayon kahit kanino. Kaya siguro, hindi pa ako ready na ma-in love, wala muna sa utak ko ang babae ngayon."

Pahinga rin muna ba ang image niyang chickboy?

Humalakhak muna nang todo ang young actor bago sumagot. "Oo, tatanggalin ko na yung image kong chickboy!" patuloy na tawa pa niya.

Dagdag niya, "Seriously, nagtataka nga ako kung bakit ganoon ang image ko. Pero susubukan nating tanggalin ‘yan.

"Actually, hindi ko alam kung flattering or ano kapag tinawag na chickboy ang isang lalaki. Kasi, ano ba ang chickboy? Yung maraming chicks, yung may isa, dalawa, tatlong babae sa buhay nila? E, di lahat ng lalaki ay naging chickboy na!" rason pa niya.

Pero aaminin kaya ni Jeremy na lapitin siya talaga ng babae?

"Siguro dahil malambing lang talaga ang mga lalaki at kapag nilambing mo na yung babae, sa kahulugan ng ibang tao, nilalagyan ng malisya," safe na sagot pa ni Jeremy, na magiging barangay captain ng Barangay BF Parañaque this May bunga ng pagiging number one na kagawad niya rito kapag kumandidatong konsehal ang kasalukuyang kapitan doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Jeremy ang balitang nagkakaigihan na sila ng young actress-singer na si Karel Marquez.

"About Karel, ewan ko ba kung bakit ganyan na parang may group of friends kayo... Porke showbiz yung dalawa, sila na agad ang kasunod na balita, na nagde-date na," sabi ni Jeremy.

"Actually, never pang nangyari na nag-usap kami ni Karel na, ‘Tara, labas tayo.' Never pang nangyari ‘yon. Nagkakataon lang na nagkita kami sa isang lugar, pero hindi kami nagkayayaan talaga na magpunta o magkita roon," paliwanag pa niya.

Nadiskubre rin ni Jeremy kung paano ang buhay ng loveless at walang inaalalang karelasyon.

"Sa ngayon ay masaya ako," aniya. "Walang problema, walang iniisip, walang stress. Masaya ako sa sarili ko ngayon dahil, kumbaga, yung buong oras ko, kung may gusto akong gawin, talagang gagawin ko. Alam mo ‘yon? Kasi mag-isa ako at walang iniisip, e. Iba kasi, masaya pala na naibibigay mo yung buong oras mo, lahat ng devotion mo sa iyong sarili."

Patuloy niya, "Siguro natuto na ako. Dati kasi, parang gusto ko na may kasama ako. Nalo-lonely ka, gusto mong i-share kung anuman ang nangyayari sa buhay mo with someone special. So hindi ko naiisip na mas okay pala na lahat ng dreams mo, lahat ng gusto mong i-fulfill, kung mag-isa ka. Alam mo ‘yon?"

Pero inamin din niyang may mga pagkakataong nakakaramdan siya ng lungkot.

"Hindi ko naman puwedeng sabihing hindi ako nalo-lonely dahil lahat naman tayo ay nalo-lonely din kapag mag-isa. May mga times na dumarating din 'yon. Ano lang ako, I'm just thinking positive na while yung sitwasyon ko ngayon ay mag-isa, while it last, I might as well take advantage of it," pahayag pa niya.

Tungkol naman kay Alex, sinabi niyang mas okay na sila ngayon ng dating kasintahan.

"Siguro, kung nag-usap man kami, inayos lang namin kung anumang problema. Pero hanggang doon na lang ‘yon," matipid na tugon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang usisain ng PEP kung friends na talaga sila ulit ni Alex, sinabi niyang "Wala nang tensiyon, wala na, maayos na."

Aniya pa, "Kung nagkikita man kami, ganoon lang, ‘hi-hi' lang. Pero yung one-on-one na usap talaga, four months na siguro. Buti na yung ganoon, okay na sa akin yung ‘hi-hello,' masaya na ako roon."

Idinagdag pa ni Jeremy na okay siyang makatrabaho si Alex dahil never daw siyang tumanggi sa trabaho. Sinabi rin niya ang saloobin ukol sa pahayag ni Alex na nagkaroon ng trauma ang young actress dahil sa kinahinatnan ng relasyon nila.

"Well, siguro sa lahat naman ng relasyon na medyo seryoso, kung mag-fail man ‘yon, tatatak naman talaga sa lahat ng tao 'yon na matakot or whatever. Normal lang naman ‘yon, e. Sa akin, I mean I can't say na na-trauma ako, pero ganoon talaga ang buhay, e. Ang mahalaga ay naka-move on na kami," pagtatapos na ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN