Ara Mina to clash with Aiko Melendez for councilor in Quezon City?


Although Ara Mina is still undecided, she hinted that she might run for councilor in the 2nd district of Quezon City—the same district of Councilor Aiko Melendez.


Kahit matagal nang hiwalay at may mga bago nang pag-ibig sina Ara Mina at Jomari Yllana, hindi pa rin maiwasan na maugnay ang kanilang pangalan sa isa't isa. Si Jomari ay nakahanap ng bagong pag-ibig sa katauhan ng Concert Queen na si Pops Fernandez, samantalang si Ara naman ay natagpuan ang sexy actor na si Polo Ravales, bagama't sa kasalukuyan ay cool-off muna silang dalawa.

Sa maraming pagkakataon ay inaabangan ang muling pagkikita nina Jomari at Ara. Isang pagkikita na ayon kay Ara ay hindi magiging big deal sa kanya kung saka-sakaling mangyari.



"Wala lang, siguro ‘hi, hello, how are you?' Actually, hindi pa kami nagkikita. Dati muntik-muntikan na, eksaktong pag-alis niya, siya namang pagdating ko. Pero timing lang ang lahat, di talaga sinasadya. Wala namang nagsabi sa kanya na dadating ako. Ako, alam kong nandun siya, pero papunta na ako," salaysay ni Ara sa 7th anniversary at grand launch ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last February 28 sa NBC Tent, The Fort.

Naging open sina Ara at Polo sa pagsasabing nasa cool-off stage sila ngayon. Isang estado ng relasyon na ipinagpapasalamat ni Ara dahil bukod sa hindi pa siya nagsasara ng pinto kay Polo ay napanatili nila ang pagiging magkaibigan. Bukas pa rin daw ang komunikasyon nilang dalawa.



"Good thing is that we're still good friends," sambit ni Ara. "Nag-uusap kami every day, pero di kami totally nagkabalikan.

"Wala akong isinasarang pinto, and I must admit mahal ko pa si Polo, pero it would be better na maging magkaibigan na lang muna kami kaysa magkabalikan nga kami tapos nagka-clash lang kami gaya ng nangyari sa amin before."



Dagdag pa niya, "Saka nag-usap kami ni Polo, napagkasunduan namin na ‘pag may nagustuhan siyang iba, or may nagustuhan ako, maging honest kami sa isa't isa para di namin mabalitaan sa ibang tao or maunahan pa kami ng media."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, may lumabas na balita na namataan diumano si Ara na nakipag-date sa businessman na si Jojo Manlongat—dating na-link kay Angelu de Leon at kapatid ng dating artista na si Beth Manlongat. Agad itong pinabulaanan ng aktres. Ayon kay Ara, hindi pa siya open sa mga bagong manliligaw ngayon.



"Regarding kay Jojo Manlongat, simula nang ma-link kami, hindi na uli kami nag-usap. One time, nag-text siya sa akin, ‘How's my rumored girlfriend?' Hindi ko nasagot dahil busy ako," kuwento niya.

Aniya pa, "Matagal ko na siyang kaibigan. Walang malice talaga, si Jojo parang kuya ko ‘yan. Actually, kilala ko kung sino ang nililigawan niya at di ako yun."

Nasa dugo ni Ara ang pagiging isang pulitiko. Mula sa kanyang lolo na si Mel Mathay, na dating naging mayor ng Quezon City, hanggang sa ama niyang si Chuck Mathay na balitang tatakbo uli sa Kongreso.

Naging usap-usapan din na may balak din si Ara na pumasok sa pulitika, pero wala pang malinaw na kasagutan mula sa kanya.



"Di ko masabi kasi wala pa akong final decision, sa March 29 pa naman kasi yung last registration. I still have ilang araw pa para mag-isip kung tatakbo nga ba ako kasi ang daming kumakausap sa akin. Since ang Dad ko will run for Congressman, baka councilor ako sa District 2 [ng Quezon City]," pagbabalita ni Ara.

Kung matutuloy ang pagtakbo ni Ara ay magiging kalaban niya ang dating nakaalitan niya na si Councilor Aiko Melendez, dating asawa ng ex-boyfriend niyang si Jomari, dahil pareho sila ng distritong kinabibilangan. Handa ba siyang harapin si Aiko?



"Kung anuman ang naging issue sa amin before, tapos na yun, di ba? May kanya-kanya na kaming buhay. Hindi na kami dapat pag-awayin pa," sabi ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN