Rustom Padilla still loveless


"The feeling is mutual. Wala naman akong nakikitang problema kung magkakatrabaho kami... Kasi ako, basta trabaho, kung maganda ang script, mahusay ang director, walang problema sa akin," says Rustom Padilla about working with Zoren Legaspi.


Lumikha ng kontrobersiya ang ginawang pag-amin ni Rustom Padilla sa totoong katauhan niya sa loob ng Pinoy Big Brother house last year. Hinangaan ng marami ang tapang at katapatan ni Rustom, pero kasabay rin nito ang pagbubukas ng saloobin niya sa nabuong galit at sama ng loob sa inang si Eva CariƱo-Padilla.



Pero katulad ng kasabihang time heals all wounds, sinabi ni Rustom sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ibinaon na niya sa limot ang lahat at ngayon ay maayos na muli ang relasyon niya sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang Mommy Eva.



"It's all part of the past, tapos na yun, nagkaintindihan na kami. Kaya lang, yung realidad kasi ngayon is may kanya-kanya na kaming pamilya. May trabaho pa kami, so wala talagang chance na magkita-kita as often as we want to, pero wala namang nagbago. Basta okay na kami, wala nang issue dapat pag-usapan o palakihin," paniniguro pa ni Rustom sa 7th anniversary ng YES! magazine at grand launch ng PEP last February 28 sa NBC Tent, The Fort.

Kung dati ay nakaka-distract ang paging sobrang payat ni Rustom, ngayon ay kapansin-pansin na nagdagdag na siya ng timbang na bumagay naman sa aktor.



"Only because of ZsaZsa Zaturnnah kasi gusto ko na magmukhang feminine talaga yung hitsura ng character. Nag-a-adjust kasi ang katawan natin sa mga activites na ating ginagawa. Sa Happy Hearts kasi, nag-train ako ng basketball kasi may basketball scene ako, so nagre-respond lang ang katawan ko," kuwento pa ni Rustom.

Ang ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh ang kauna-unahang gay role ni Rustom sa pelikula pagkatapos niyang aminin na bakla siya. His follow-up movie after ZsaZsa Zaturnnah ay ang Happy Hearts kung saan gay ulit ang kanyang role. Both movies were directed by Joel Lamangan.

Samantala, sa mga interviews noon kay Zoren Legaspi, ang partner ng dating asawa ni Rustom na si Carmina Villarroel, ay sinabi nito na willing siyang makatrabaho si Rustom kahit mala-Brokeback Mountain pa ang maging tema ng istorya. Sa binitawang salitang ito ni Zoren ay nagpahayag naman ng pagkatuwa si Rustom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I'm glad na ganyan ang sinabi niya. The feeling is mutual. Wala naman akong nakikitang problema kung magkakatrabaho kami. Kung mala-Brokeback, tanungin n'yo muna kaya siya [Zoren] kung okay sa kanya kasi ako, basta trabaho, kung maganda ang script, mahusay ang director, walang problema sa akin," sabi ni Rustom.

Ang Brokeback Mountain ay ang 2005 film ni Ang Lee starring Heath Ledger and Jake Gylenhaal na tumatalakay sa love affair ng dalawang lalake na parehong may pamilya.

Nang tanungin naman namin si Rustom tungkol kay Carmina, sinabi ng aktor na hindi na sila nagkakausap ng kanyang ex-wife. Pero maligaya raw siya na masaya si Carmina sa piling ni Zoren.



"I'm really, really happy for her. She deserves it," sabi ni Rustom.

"Wala akong lovelife. Masaya naman ako kasi marami akong trabaho na ginagawa," sagot niya nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN