Ara Mina denies rumors linking her to Rudy Hatfield


Ara Mina says she was never close to basketball cager Rudy Hatfield so there's no truth to the rumor linking them together.


Nagugulat din si Ara Mina sa balitang nali-link daw siya ngayon sa ex-boyfriend ng kaibigang niyang si Rufa Mae Quinto na si Rudy Hatfield.



Nagsimula raw ang balita sa mga sports columns at nine-namedrop siya diumano ni Rudy sa mga interviews nito. Ayon kay Ara ay wala siyang communication of any sort kay Rudy dahil hindi naman daw sila close in the first place.



"Saan nanggaling ang balita na close daw kami ni Rudy?" pagtataka ni Ara. "Noong sila pa ni Peachy [Rufa Mae], okay naman kami pero hindi kami talaga naging close. Hanggang sa matapos ang relasyon nila ay never ko siyang nakausap sa phone or nag-text sa akin. Kaya nagugulat ako sa mga balita na nagkakausap daw kami. Hindi ‘yan totoo."



May lumabas ding balita na nanood si Hatfield ng concert niya na Loving Ara sa Big Dome noong February 3. Hindi raw alam ni Ara na nanood pala noon ang Barangay Ginebra player.



"Well, hindi ko naman siya inimbitahan na manood kasi hindi naman kami close. Kung nanood man siya, e, di okey lang. Mabuti nga ‘yon at bumili siya ng ticket sa concert ko. Pero hindi ko talaga alam kung totoong nanonood siya," paliwanag ni Ara.



Pakiramdam ni Ara ay may gusto lang sumira sa pagkakaibigan nila ni Rufa Mae. Natatawa na lang si Ara kasi hindi raw alam ng mga naninirang ito kung anong klaseng friendship meron sila ni Rufa Mae na kasama niya sa gag show ng GMA-7 na Bubble Gang.



"Nabuo ang pagkakaibigan namin ni Peachy nang dahil sa matagal naming pagkakakilala. Tried and tested na ang friendship namin. Walang basta-basta makakasira ng tiwala namin sa isa't isa," sabi ni Ara.



Dagdag pa niya, "Nabababawan naman ako sa issue involving Rudy. Gamitin ba ako para lang sirain ang friendship namin ni Peachy? Kung sino man ang nagsisimula at nagkakalat niyan, tigilan na niya kasi sayang ang effort niya. Matatag talaga ang samahan namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kasama si Ara sa malaking cast ng bagong action-adventure series ng GMA-7 na Lupin, kung saan bida si Richard Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN