Rudy Fernandez sheds tears of joy on his surprise birthday party


Action superstar Rudy Fernandez rarely cries in public, but he must have been so touched by his wife Lorna Tolentino's gesture that tears fell from his eyes.


Napaiyak si Rudy Fernandez dahil hindi nito inaasahan ang surprise birthday dinner na inihanda ng kanyang asawang si Lorna Tolentino. Tears of joy ang pumatak mula sa mga mata ng sikat na action star at 'yon ang unang pagkakataon na nakita siya ng marami na umiyak.



Noong Sabado, March 3, ang kaarawan ni Rudy, pero tinanggihan nito ang suggestion na magkaroon siya ng party. Naisip ni LT na maghanda ng surprise dinner para sa kanyang asawa.



Ang El Cirkulo restaurant sa Makati City ang napili ni LT na maging venue para hindi magduda si Rudy na may surprise birthday celebration na naghihintay sa kanya. Ang alam ni Rudy, magkakaroon lamang sila ng dinner ng kanyang pamilya kaya nabigla siya nang makita niya ang mga kaibigan sa loob ng restaurant.

Sina Lolit Solis at Senator Jinggoy Estrada ang kauna-unahang dumating sa mga bisita na inimbita ni LT.



Ayaw ni Rudy ng TV coverage pero hindi siya nakatanggi dahil mismong si Lorna ang nag-interview sa kanya para sa Startalk, kung saan co-host ang multi-awarded actress-wife ni Daboy.



Kitang-kita ang kasiyahan ni Rudy dahil dumalo ang mga nagmamahal sa kanya. Umikot siya sa mga mesa upang halikan at mahalikan ang kanyang mga bisita.

Namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dinner sina Susan Roces at ang anak nitong si Grace, producer Armida Siguion-Reyna, YES! at PEP editor Jo-Ann Maglipon, Anna Pingol, reporter Gorgy Rula, at Senator Bong Revilla.

Dumating din sina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco, si Marichu Maceda, Seiko Films producer Robbie Tan, at ang mag-asawang Dolor Guevarra at Direk Boots Plata.

Naruon din sina Mark Anthony Fernandez and wife Melissa, Phillip Salvador, Paolo Contis, Precy Ejercito, Sandy Andolong, Amy Austria, Lynn Ynchausti, Jamie Rivera at mga non-showbiz friends ng mag-asawang Rudy at Lorna gaya ni Paul Cabral.

Dahil mahilig sa kantahan ang mga kaibigan nina Daboy at LT, nagtagal ang gabi na panay kantahan at kuwentuhan. Si Sharon Cuneta, na dumating sa kalagitnaan ng party, ay halos nag-mini concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN