Sharon is totally sure of Kiko's fidelity


"He provides stability in our home. He's masungit, serious, reallyhonest, and very decent. His strength lies in his family. He's alsovery prayerful," enumerates Sharon Cuneta about the qualities of husband Francis "Kiko" Pangilinan.



Sa press con na ibinigay ni Mother Lily Monteverde para kay Senator Kiko Pangilinan na ginanap sa Imperial Palace Suites sa may Tomas Morato noong Marso 2, maraming nakakatuwang kuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Megastar na si Sharon Cuneta tungkol sa asawa. Gaya na lang ng sinabi niya na nang mag-umpisa siyang magustuhan ni Kiko ay wala pa pala itong napapanood na pelikula niya.

Ayon sa Megastar, ang movie niyang Kapantay Ay Langit, kung saan katambal niya si Richard Gomez, noong 1993 ang kauna-unahang napanood ni Kiko samantalang 1981 pa siya nagsimulang gumawa ng pelikula.

Kaaliw rin ang kuwento ni Sharon kung gaano kasimple si Kiko. Sa katunayan, aniya, nang makilala niya ito ay iisa lang ang belt na ginagamit nito. At kinailangan pa raw ibili ng ama ni Kiko ng bagong sinturon ang anak nang malaman nito na ide-date ni Kiko ang Megastar. Sa Hong Kong pa raw ibinili ng father ni Kiko ng belt ang anak. Wala rin daw hilig sa signature clothes ang kanyang asawa. In fact, nakatikim lang ito ng Giorgio Armani nung bagong kasal sila.

"Napakasimpleng tao ng napangasawa ko. Wala siyang kaarte-arte sa katawan. Would you believe, until now, he owns 25 percent lang ng kabuuan ng dressing room namin?" kuwento pa ng Megastar.

Ibinuking din ni Sharon na may ka-date siyang iba nang una silang magkita ni Kiko sa kasal ng kapatid nito na si Anthony Pangilinan sa aktres na si Maricel Laxa. Hindi naman nahirapan ang press na paaminin si Sharon kung sino ang ka-date na tinutukoy niya.

"Si Richard Gomez!" mabilis na pakli ng aktres.

Hindi rin daw malilimot ni Sharon nang pinatunayan ni Kiko kung gaano kalinis ang hangarin nito sa kanya dahil ito mismo ang kusang naghain ng pre-nuptial agreement bago sila ikasal. Mismong sa Daddy raw ni Shawie, the late Pasay City Mayor Pablo Cuneta, nagsabi si Kiko na gusto niyang magkaroon sila ng pre-nuptial agreement ng sikat na aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi raw pumayag ang ama ng aktres sa gustong mangyari ng lalaking noon ay nakatakdang pakasalan ng kanyang anak. Katuwiran ng Daddy ni Sharon ay magiging isa na sila kapag naging mag-asawa kaya dapat lang na kung ano mayroon ang isa ay dapat mayroon din ang isa. Sa kabila nito, hindi raw pumayag si Kiko at iginiit pa rin ang kagustuhan na pumirma sila ng pre-nuptial agreement bago ang kanilang kasal.

"Sabi niya sa Dad ko, 'I hope you won't mind but I want to push through with it.' Dahil doon, napatunayan ko na maprinsipyo talaga siyang tao at lalo akong humanga sa kanya," sabi ni Shawie.

Sa April 28 ay labing-isang taon nang kasal sina Sharon at Kiko at sa pagdaraan ng panahon ay patuloy umanong tumatatag ang kanilang pagsasama.

"His endearing qualities? Well, he provides stability in our home. He's masungit, serious, really honest, and very decent. His strength lies in his family. He's also very prayerful. He lights up a candle in the bathroom and he prays. That's how private he is. Ayaw niyang marinig ng iba ang dasal niya. Pareho rin kaming mababaw. Natatawa sa maliliit na bagay," salaysay ni Sharon.

"And he's very encouraging. We respect each other's opinion. Kahit may conflict sa paniniwala, na hindi naman maiiwasan since we grew up in different household. Si Kiko, seven [years old] pa lang, nagma-martsa na sa mga rally, habang ako nung ganung edad ay nagsisimba sa Forbes at painom-inom ng shake!" tawa niya.

Dagdag pa ni Sharon na pareho silang simple ng asawa. "We don't like going to parties. Big deal na sa amin yung kumain sa labas."

Sa mga napabalita noon na pambababae ni Kiko ay never daw naniwala si Sharon.

"There is something in woman's intuition. Mararamdaman at mararamdaman mo ‘yon. In my case, I've never had a headache in that department," pagmamalaki pa ni Sharon na 100 percent umano ang gagawing pagsuporta sa kampanya ng asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN