Sharon vs. Vilma on the campaign trail for senator?


"Hindi sila magkasama sa partido kaya kahit mahal na mahal ko si Ralph, hindi ko masabing ‘Iboto si Ralph!' Sa puso ko, gusto kong sabihin ‘yon, pero hindi puwedeng sabihin," says Sharon Cuneta about the candidacy of Vilma Santos's husband, Ralph Recto.



Labanan din nga ba nina Megastar Sharon Cuneta at Star for All Seasons Vilma Santos ang mangyayari sa nalalapit na eleksiyon?

Alam ng lahat na parehong tumatakbo for re-election ang kanilang respective senator husbands na sina Francis "Kiko" Pangilinan at Ralph Recto.

Si Kiko ay hindi sumama sa partido ng GO (Genuine Opposition) at sa halip ay mas piniling maging independent candidate, samantalang si Ralph ay nasa TEAM Unity ng administrasyon.



Kung sina Sharon at Vilma ay matalik na magkaibigan sa totoong buhay, pagdating sa pulitika ay sinasabing walang kai-kaibigan, lalo pa't hindi magkasama sa iisang partido ang mga mister nilang sina Kiko at Ralph, kaya natural lang umanong magkaagawan ng boto ang mga ito.



"Hindi sila magkasama sa partido kaya kahit mahal na mahal ko si Ralph, hindi ko masabing ‘Iboto si Ralph!' Sa puso ko, gusto kong sabihin ‘yon, pero hindi puwedeng sabihin," natatawang bulalas ni Sharon nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con na ipinatawag ni Mother Lily Monteverde para kay Kiko noong March 2 sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, QC.

"Kaya sa mga kaibigan ko sa pelikula, bahala na kayong pumili. Basta ang sagot ko, si Kiko, my uncle Tito Sotto, si Noynoy Aquino, at ang mga ibang hindi kayang ikampanya ni Kiko. Ako, mahal ko si Joker Arroyo, si Manny Villar, si Recto," pag-e-enumerate ni Sharon.

GOMA. Medyo nag-iba ang timpla ni Mega nang may humirit kung iboboto niya si Richard "Goma" Gomez, na naging ex-boyfriend niya.

"Huwag ka nang mang-intriga! Pangilinan ang apelyido ko. Kasi, parang hindi tama ang tanong mo, e! Magkaka-intriga pa, di ba? Hindi dapat malagyan ng kulay," mariing buwelta niya sa reporter na nagtanong.

75 POUNDS. Samantala, medyo mababawasan ang panahon ng Megastar sa pagtulong sa kampanya ni Kiko kapag nagsimula na siya ng kanyang bagong pelikula sa Star Cinema na kukunan sa London at ididirek ni Chito Roño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, second draft pa lang ng script (co-written by Direk Chito) ay almost perfect na ito kaya nung Sabado ay nag-meeting na sila and they're going to shoot the movie very soon.

Contrary to rumors, hindi raw ang weight niya ang naging dahilan kaya medyo naantala ang pagsisimula ng nasabing Star Cinema project kundi ang script nito. Masayang ibinalita ni Sharon na malaki na ang nababawas sa kanyang timbang at bukod sa pagdidiyeta ay gusto niya itong sabayan ng pagsasayaw para lalo siyang pumayat.

"I've dropped a lot of weight because of South Beach Diet [SBD]. Hindi ako nakakapag-exercise but my children, the little ones, are very active so parang exercise na rin," sabi ni Shawie.

"I've also rediscovered dancing sa small parties with friends like sa birthday ni Jinggoy [Estrada] at ni Mommy Carol [Santos, ina ni Judy Ann]. Ilang taon na rin akong hindi nagsasayaw, siguro puwede ko siyang gawing exercise!

"Plano ko na instead of going to the gym na magti-treadmill lang, I'll talk to one of the choreographers sa ABS-CBN and schedule kahit a couple of times a week lang. Maganda rin sa concert na sumasayaw ka!

"On and off din akong nag-South Beach, e! Kasi Miel is two-and-a-half years old now. I breastfed her for seven months, so minus that, almost two years din akong nag-SBD. Dinibdib ko talaga siya nung pumasok ang 2006. Since I had Miel, September 2, 2004, up to now, I lost na mga 75 pounds! It's also my biggest weight gain. Kasi before, puro crash diet ang ginagawa ko kaya mabilis ding bumalik. Now it's slowly," aniya pa.

Nabanggit din ni Sharon na after her Star Cinema movie, malamang na kasunod nito ay ang project na co-produced ng Star Cinema at Unitel Pictures na ready na ang script. After that ay puwede na raw niyang gawin ang pelikula na co-prod ng GMA Films at Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN