Another fake photo: Erik piggy-backing on Piolo


The fake photo of Piolo Pascual and Erik Santos that is now circulating on the Internet, which came from someone called "Adobe Photoshop expert."



Ang litrato nina Erik Santos at Piolo Pascual na kumakalat sa Internet ang binibigyan ng malisya ngayon.



Pagkatapos maging biktima ng fake holding hands picture nila ni Sam Milby, ang litrato ni Piolo na kasama si Erik naman ang umiikot sa mga Internet websites ngayon.



Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng Erik-Piolo picture mula sa reader na nagpakilala bilang "Adobe Photoshop expert." Ayon sa nagpadala ng litrato, sigurado siya na authentic at hindi niretoke ang litrato nina Erik at Piolo na kuha sa Amerika.



Pinagdududahan ng PEP ang claim ng reader dahil parang idinikit lamang ang ulo ni Piolo sa katawan habang naka-piggy-back ride si Erik. At kung authentic man ang litrato, walang nakikitang masama ang PEP kung nagkatuwaan sina Erik at Piolo habang nasa harap ng kamera.



Matatandaan na binura si Rica Peralejo sa litrato nina Piolo at Sam para palabasin na magkahawak-kamay ang aktor. Nakakuha ang PEP ng original copy ng litrato na nagpatunay na si Rica at hindi si Sam ang kahawak-kamay ni Piolo.

Sa pagkalat ng Erik-Piolo picture, umaasa ang PEP na lilitaw ang original copy ng larawan na puwedeng makapagpatunay na niretoke ang kanilang piggy-back ride picture at maabsuwelto sila sa malisyosong isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN