Carlo Aquino admits courting Maja Salvador


Carlo Aquino does not deny the fact that he is smitten by the charm and beauty of Maja Salvador.



Hindi man direktang aminin ng young stars na sina Carlo Aquino at Maja Salvador, kitang-kita sa kanilang mga kilos at tinginan that there is something special going on between them.

Sa 7th anniversary ng YES! magazine at grand launch ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last February 28 sa NBC Tent, The Fort ay nagkaraoon ng pagkakataon ang PEP na makausap si Carlo tungkol kay Maja, na katabi niya sa isang table that night.



"I won't deny na masaya kami," pag-amin ng binata. "Okay ang lahat, walang pressure, walang tension. Nanliligaw pa lang ako, matagal-tagal na rin. ‘Pag lumalabas kami, pinapaalam ko siya sa Mom niya. Basta ako, masaya ako kung anuman ang mayroon kami."

Nang minsang magkasama ang dalawa sa isang show sa United States last year, nag-click ang pagiging masayahin at kenkoy ni Maja sa pagiging serious at tahimk naman ni Carlo—a perfect example that opposites do attract.



"Masaya siya lagi, makulit, maganda and masarap kasama 'tapos tahimik naman ako madalas. Ang pinaka-nagusuthan ko sa kanya is yung pagiging masayahin niya kaya enjoy talaga ako sa company ni Maja," pag-e-enumerate ni Carlo sa mga katangian ni Maja.

Samantala, sinabi ni Carlo na closed book na ang kung anumang namagitan sa kanila ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban, na nali-link naman ngayon sa sexy actor na si Derek Ramsey. Carlo says he is thankful that he and Angelica are still friends in spite of their breakup.



"Nagkikita-kita kami paminsan-minsan kasama sina Ketchup [Eusebio]. Good thing lang is walang ilangan. Nung nagkita kami after the breakup, wala nang sorry-sorry, okay na agad kami ni Angel," kuwento ni Carlo.

Aniya pa, "I think naging okay ang lahat kasi naisip namin na sayang naman ang pinagsamahan namin kung mawawala nang ganun-ganun lang dahil sa relationship. If Angel has a boyfriend right now, I'll be happy for her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Carlo is considered as one of the best young actors of his generation. Mabigyan lang ng tamang projects and breaks, isa siya sa kikilalaning most bankable young actors but, sad to say, mukhang mabagal ang usad ng career ng dating child actor.

"Ganun, e, di mo maiiwasan yun. ‘Pag mayroon, mayroon, ‘pag wala, wala talaga. Di ka naman puwedeng pumunta sa isang station or film company para magreklamo kasi nagtatrabaho ka lang. ‘Pag binigyan ka ng trabaho, gawin mo kung ano ang puwede mong gawin para walang panghihinayang kung saka-sakali," paliwanag niya.

Sa ngayon ay katatapos lang gawin ni Carlo ang indie film na Carnivore.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN