Tanya Garcia and Cristine Reyes end their silent war


Cristine Reyes (left) was once linked to Pampanga Governor Mark Lapid, who is the father of Tanya Garcia's unborn child.



Nitong weekend ay na-interview ng S-Files si Cristine Reyes, na unang na-link at sinasabing nakarelasyon daw ni Pampanga Governor Mark Lapid. Hiningan ng reaction si Cristine sa pagdadalang-tao ngayon ni Tanya Garcia sa anak nila ni Mark at sa isyung pagde-deadmahan daw nilang dalawa tuwing magkikita at magkakasama sa taping ng Super Twins.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tanya na umaming napanood niya ang naging interview ni Cristine sa S-Files. Aniya, natutuwa siya at pawang magaganda ang sinabi ni Cristine. Kahit paano raw kasi, hindi maiiwasang nag-iwan na si Cristine sa kanya ng impression na may pagka-palaban, lalo pa't madalas nga na hindi naman sila nagkakausap kapag nagkakasama sa isang show.



Ayon din kay Tanya, nang mapanood niya ang interview kay Cristine—lalo pa't nasa kuwarto lang siya ngayon at nakahiga—tinawagan daw niya ang kapatid ni Cristine na si Ara Mina, na kaibigan naman ni Tanya.



Tinanong daw niya kay Ara ang number ni Cristine. Tila nagulat pa nga raw si Ara nang malamang gusto niyang makuha ang number ni Cristine. Tinanong pa raw siya ni Ara kung aawayin niya raw ba ang kapatid nito.



Ini-assure naman daw niya si Ara na hindi niya aawayin si Cristine but, instead, magte-thank you raw siya sa mga kind words na sinabi nito sa interview niya sa S-Files.



Nang makausap na ni Tanya si Cristine, tila natuwa at nakahinga naman daw nang maluwag ang nakababatang kapatid ni Ara at sinabing mas maganda raw na maayos na silang dalawa ni Tanya. At least nga naman daw, kapag nasa set sila ay hindi sila yung nagkakailangan or nagde-deadmahan.



Hindi na rin itinanggi ni Tanya sa PEP na totoong hindi sila nagpapansinan ni Cristine sa taping ng Super Twins. May ilang insidente raw kasi na sa ibang show ng GMA-7 kung saan ay nagkakasabay silang guests na binabati ni Cristine ang lahat, except si Tanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Magkaganunman, natutuwa na rin si Tanya na maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Cristine. Hindi man daw sila kasing-friends tulad nila ni Ara, mas masarap naman daw na walang kaaway or ka-deadmahan.



Bandang huli, natatawang kuwento pa rin ni Tanya na pabiro raw sinabi ni Cristine sa kanya na ihanap na lang siya ng puwedeng maging "papa" or boyfriend. Kaya pinayuhan pa raw niya ito at sinabihang, "Naku, hindi kita ihahanap. ‘Wag ka munang mag-boyfriend, bata ka pa!"



Samantala, ngayong araw, March 6, naman ang schedule ng check-up ni Tanya sa kanyang obstetrician. Ngayong araw niya rin malalaman kung papayagan na siyang magtrabahong muli or kinakailangan pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang pagbe-bed rest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN