Enpress fetes nominees of the 4th Golden Screen Awards


Gina Pareño (left) is nominated for Best Actress-Drama and Best Supporting Actress while Andrea del Rosario is nominated for Best Actress-Drama in the 4th Golden Screen Awards.



Matagumpay ang naganap na Nominees Night ng Entertainment Press Society, Inc. (Enpress) na ginanap noong March 6 sa Zirkoh Comedy Bar in Greenhills. Ito ay kaugnay ng 4th Golden Screen Awards na gaganapin sa March 17 sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza Tower sa Makati City (hindi na sa AFP Theater in Camp Aguinaldo as earlier reported). Kumbaga, isang advance party ang naganap sa Zirkoh para sa mga nominado ng Golden Screen Awards.



In full force dumating ang cast ng digital film na Compound, na pinangungunahan ng Best Actor-Drama nominee na si John Arcilla, who was game enough to render two songs bilang pang-entertain niya sa mga bisita.



Dumating din ang cast and crew ng digital film na Batad Sa Daang Palay, na nakakuha ng pinakamaraming nominasyon, na pinangungunahan ng Best Actor nominee na si Alchris Galura.



Present din ang ilang nominees ng mga pelikulang Inang Yaya, Kaleldo, Kubrador, Donsol, and Kasal, Kasali, Kasalo.



Masayang-masaya si Gina PareƱo dahil dalawa ang kanyang nominasyon, bilang Best Actress-Drama for Kubrador and best supporting actress for Kasal, Kasali, Kasalo.



"Nakakatuwa naman kasi nabigyan ulit ako ng pagkakataon na umarte at ma-nominate," sabi ni Gina. "Hindi lang pala ako sa Kubrador napansin kundi pati sa Kasal, Kasali, Kasalo."



Nang tanungin si Gina kung ilang international best actress awards na ang napanalunan niya for Kubrador, ang sagot nito ay: "Hindi ko na alam, e. Basta masarap ang manalo!"



Ganundin ang kasiyahan nina Tessie Tomas at Andrea del Rosario na nominated naman for Best Supporting Actress and Best Actress-Drama, respectively, for Rome and Juliet.



"I'd like to thank Enpress for giving me this recognition. Kahit na hindi kahabaan ang role ko, napansin pa rin nila ako," sabi Tessie. "Bihira ako gumawa ng pelikula at kahit na maliit na pelikula lang ang Rome and Juliet, maganda siya and we are proud having done it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sumang-ayon naman si Andrea, "We did Rome and Juliet because we believed in the project. And I did not expect to get an acting nomination. It's my first time to get nominated as best actress. Actually, dalawa pala kami ni Mylene [Dizon] na nominated. I'm sure na masaya siya tulad ko for this nomination."



Present din si Jett Pangan para personal na tanggapin ang kanyang nomination certificate as Breakthrough Performance by an Actor for the indie film Tulad ng Dati. Nag-render din siya ng two songs as a sign of his appreciation.



Ang iba pang nominees na dumalo ay sina Sid Lucero, Chokoleit, Jake Macapagal, Jason Abalos, at Archie Adamos. Dumalo rin ang mga film directors na sina Jose Javier Reyes, Brillante Mendoza, Benji Garcia, Pablo Biglang-Awa, and Veronica Velasco.



Ang mga dumating namang celebrity guests ay sina Carlo Aquino, Rochelle Pangilinan, Gloc 9, Jake Cuenca, Alfred Vargas, Faith Cuneta, Sitti, LJ Reyes, Joy Cancio, and Philippine Idol finalist Reymond Sajor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN