LJ Reyes and Alfred Vargas, no chance of getting back together?


"Actually, hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayari. Hindi ko alamkung bakit bigla na lang parang nawala yung communication," says LJ Reyes about the status of her relationship with Alfred Vargas.


Very obvious sa ginanap na Nominees Night ng 4th Golden Screen Awards ng Enpress sa Zirkoh Greenhills kagabi, March 6, na may problema sa pagitan nina Alfred Vargas at LJ Reyes. At tila habang tumatagal since the last time they admitted na nasa cool-off stage sila, palabo naman nang palabo ang chance na magkakabalikan pa ang dalawa.



Napansin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na naunang dumating si LJ sa Zirkoh and after a few minutes ay sumunod naman si Alfred. Bagama't lumapit naman si Alfred kay LJ para mag-greet, kapansin-pansin na sa halip na maki-share ng table at tumabi kay LJ ay sa ibang table umupo ang sexy actor.



Nang tanungin ng PEP si LJ kung ano na ba ang lagay ng relasyon nila ni Alfred, napakibit-balikat na lang ito at sabay sabi na hindi na rin daw niya alam.



Napag-alaman din namin kay LJ na naging madalang na ang komunikasyon nila ni Alfred, even through text or calls. Noong mga unang linggo lang daw siguro after their cool-off, tila constant pa rin ang communication nila at parang walang nabago sa kabila ng pagkawala ng commitment nila sa isa't isa.



Ayon kay LJ, "Actually, hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayari. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang parang nawala yung communication. Hindi na siya nagte-text or tumatawag. Sometimes, ako, I still text him, pero hindi na katulad dati na madalas pa rin."



Maging ang nakagawian daw nila na pagsisimba tuwing Linggo ng gabi sa may U.P. Diliman ay nawala na rin daw. May three Sundays na raw na hindi sila nagkakasamang magsimba. Last time na nagkita raw sila ay noong Linggo na sabay silang nag-guest sa SOP and yet, no one bothered to tell each other na magge-guest sila sa nasabing musical variety show ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Walang masabi si LJ na mabigat na dahilan kung bakit tila palabo na nang palabo ang chance na magkabalikan pa sila.

"Ako, hindi ko talaga alam. Actually, like tonight, wala akong idea na nandito rin pala siya, na pupunta rin pala siya. So, you see, talagang hindi na constant yung communication," sabi ni LJ.



When we asked LJ bakit hindi siya tinabihan ni Alfred nang makita siya, pagkibit ng balikat ang itinugon nito.



Ganunpaman, hindi itinanggi ni LJ na mahal pa rin niya si Alfred at nanghihinayang siya sa maganda nilang simula. She's also hoping na sana maremedyuhan pa rin nila kung anumang pinagdadaanan ng relasyon nila ngayon.



"Actually, yung sinasabi na because of his co-star in Muli [Malaysian actress Carrie Lee], wala naman yun. Ang tagal na no'n, so hindi talaga yun. In fairness, tingin ko naman, wala namang third party," tila pag-a-assure sa sarili niyang sabi.



Itinanggi rin ni LJ na nanliligaw na ngayon sa kanya si JC de Vera, na naging co-star niya sa afternoon drama series na Makita Kang Muli.



"Hindi, hindi siya nanliligaw," giit ni LJ. "Friends ko lang si JC. Yung totoo, sa lahat siguro ng mga boys, I could say na si JC ang pinaka-close ko. Actually, mas nauna ko pang nakilala si JC kaysa kay Alfred. So, it's not true na nanliligaw siya."



Samantala, kahit sabay na tinawag sa stage para mag-present ng ilang nominees for the 4th Golden Screen Awards, hindi rin nakaligtas sa PEP ang hindi pagsi-share sa isang table at ang magkahiwalay na pag-alis nina LJ at Alfred.



Bagama't nagpaalam pa rin si LJ kay Alfred bago umalis, napansin ng PEP na hindi man lang ito inihatid ni Alfred hanggang sasakyan or kahit sa labas ng Zirkoh. A few minutes after na makaalis ni LJ ay umalis na rin si Alfred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN