StarStruck hopeful Prince Stefan shares his sob story


"Hindi kasi ako nakaranas ng pagmamahal mula sa magulang. Lumaki ako satita ko na umampon sa akin... Noong mag-high school ako, naka-boarding house ako malapit sa school.Mag-isa lang ako sa malaking kuwarto. Kaya nga ang tawag nila sa akinsa school ay weird kasi minsan kinakausap ko ang sarili ko," narrates Prince Stefan.



Nakakabilib ang StarStruck The Next Level finalist na si Prince Stefan dahil kahit na nag-iisa siya rito sa Manila at wala siyang kamag-anak na masandalan, ginagawa niya ang lahat para mapanatili ang kanyang estado sa reality-based artista search ng GMA-7. Tubong-Iloilo si Prince.



Makakaramdam ka ng awa kay Prince dahil ayon sa kanyang kuwento, pinagkakasya raw niya ang allowance na ibinibigay ng GMA-7 sa kanila para makapagpagawa siya ng mga pocket calendars, posters, at tarpaulins upang may maibigay siya sa mga sumusuporta sa kanya.



"Noong mag-mall show kami before, naiinggit ako kina Aljur [Abrenica] at Paulo [Avelino] kasi ang gaganda ng mga pinamimigay nila sa mga fans. Wala akong gano'n kasi wala namang gagastos for me. Kaya yung allowance ko dito sa show ang ginagamit ko," panimulang salaysay ni Prince.



Dagdag pa niya, "Sa awa ng Diyos, napagkakasya ko naman ‘yon at kasama na dun yung pagkain ko. Sanay naman na ako sa ganyan, e. Ever since naman noong bata pa ako, natuto na akong magtiis talaga. Ngayon kasi, hindi na ako nakakatanggap ng allowance from Iloilo. Gastos ko lahat dito sa Manila."



Tuwing live elimination nga raw ng StarStruck ay may takot si Prince dahil pakiramdam niya ay walang sumusuporta sa kanya. Hindi raw tulad ng mga kasamahan niya na may mga kaibigan at mga kamag-anak na sumisigaw ng pangalan nila.



"Kung may nakikita silang mga posters ko, inaabot ko lang ‘yon kahit kanino sa audience kasi wala talaga akong kamag-anak dito sa Manila. Mabuti naman at may mga willing na suportahan ako sa audience. Kaya kung may sumisigaw man ng pangalan ko, kokonti lang sila pero natutuwa ako kasi kahit papa'no meron, di ba?" ani Prince.



Loner kung i-describe ni Prince ang kanyang sarili dahil nasanay na raw siyang mag-isa kahit noong bata pa siya.



"Hindi kasi ako nakaranas ng pagmamahal mula sa magulang. Lumaki ako sa tita ko na umampon sa akin, pero sa ibang bansa naman siya nakatira. Noong mag-high school ako, naka-boarding house ako malapit sa school. Mag-isa lang ako sa malaking kuwarto. Kaya nga ang tawag nila sa akin sa school ay weird kasi minsan kinakausap ko ang sarili ko. Nakasanayan ko na kasi ang mag-isa," kuwento pa ng binata na hindi pa nakikilala ang tunay na ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung may ipinagpapasalamat si Prince sa Diyos, ‘yon ay ang nabigyan siya ng talent sa pagkanta. Naging miyembro ng choir sa simbahan si Prince at pinagkakitaan din niya sa Iloilo ang pagiging wedding singer.



Ayon sa kanya, "Minsan kasi hindi kaagad dumarating ang allowance ko. Kailangan kong maghanap ng pagkakakitaan. Nahihiya na akong mangutang sa mga classmates ko. Noong mapasama ako sa choir, kapag may kanta kami, nababayaran kami ng P400 kada isa. ‘Tapos noong kunin akong wedding singer, nababayaran ako ng P5,000.



"Tapos kinukuha na akong kumanta sa mga beauty pageants. Tulad doon sa Miss Iloilo Pageant, ako ang nag-serenade sa kanila. Malaki ang ibinayad sa akin kaya nakaipon ako. Kaya malaki ang pasalamat ko kay God dahil nabigyan niya ako ng talent sa singing. Ito ang bumuhay sa akin noong mga panahon na kapos ako sa pera," pangwakas na pahayag ni Prince.

Bukod kay Prince, kasama rin sa natitirang Danger 8 ng StarStruck The Next Level sina Aljur Abrenica, Paulo Avelino, Mart Escudero, Rich Asuncion, Kris Bernal, Jewel Mische, at Stef Prescott.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN